Paano Makakaiwas sa Hika o Asthma?

1:49:00 AM



Ang asthma o hika ay isang noncommunicable disease kung saan ang mga apektado nito ay nahihirapang huminga at laging umaagahas ang paghinga. Ang mga sintomas nito ay maaaring maranasan ng ilang beses sa isang araw o sa isang linggo. May mga tao din na mas lumalala ang mga sintomas kapag nagkakaroon ng physical activity o kaya ay kapag gabi. Kapag mayroong asthma attack, namamaga ang lining bronchial tubes nag nagdudulot ng pagsikip ng daanan ng hangin kaya kumokonti ang hangin na nakakapasok at nakakalabas sa ating baga. Kapag pabalik-balik ang sintomas ng asthma maaari itong magdulot ng hirap matulog, labis na pagkapagod sa umaga, reduced activity levels at laging pag-absent sa paaralan. Mas kaunti ang mga taong namamatay sa asthma kumpara sa ibang chronic diseases.

Ano ang Mga Nagdudulot ng Asthma o Hika?

Hindi pa rin malinaw ang totoong dahilan bakit nagkakaroon ng asthma ang isang tao. Ang mga risk factors ay kombinasyon ng genetic predisposition at mga environmental exposures na nalalanghap na maaaring magdulot ng allergic reactions at makairita sa daanan ng hangin. Narito ang mga maaring magdulot ng asthma:

1. pagiging overweight
2. alikabok 
3. pollen
4. molds
5. usok ng sigarilyo
6. chemical irritants at exposure sa mga kemikal na ginagamit sa pagsasaka, hairdressing at manufacturing.

Ang ilan pang mga triggers ay malamig na hangin, kapag labis ang pagkagalit o pagkatakot at pag-eehersisyo. May mga gamot din na maaaring magdulot ng asthma tulad ng aspirin at mga non-steroid anti-inflammatory drugs, beta blockers na ginagamit sa mga may high blood pressure.

Paano Makakaiwas sa Asthma Attacks? 

1. Magpabakuna para sa influenza at pneumonia. 
2. Alamin ang mga bagay o pagkain na nagiging trigger ng iyong asthma attacks at iwasan ang mga ito. 
3. Laging imonitor ang iyong paghinga kung nagbabago ito. 
4. Inumin ang iyong gamot kapag nakakaranas ng sintomas ng asthma attacks. Kapag hindi ito bumuti ay humingi na ng tulong sa iyong doktor.

Ang tamang gamutan ay makakatulong upang maiwasan ang mga short-term at long-term complications ng asthma. Kung ikaw ay mas athma o hinala mong mayroon kang asthma, bumisita sa inyong doktor upang malaman mo kung ano ang dapat mong gawin.

You Might Also Like

3 comments

  1. This is awesome info Dok Lads. Didn't know that influenza and pneumonia vaccines can help prevent asthma.

    ReplyDelete
  2. Bawal po ba uminom ng alak ang may hika

    ReplyDelete

Twitter Feed