Paano Makakaiwas sa Alipunga?

7:27:00 AM



Paano Makakaiwas sa Alipunga?
Ang athlete's foot (tinea pedis) o alipunga ay isang fungal infection na kadalasang nagsisimula sa mga daliri sa paan. Makikita ito sa pagitan ng mga daliri lalo na kung palagi itong pawis kapag nakasapatos. Ang senyales at sintomas ng alipunga ay scaly rash at mahapdi at makati. Nakakahawa ito kapag contaminated ang sahig, twalya at mga damit. Ang athlete's foot ay maaaring gamutin gamit ang ilang mga over-the-counter antifungal medications ngunit madalas bumalik ang impeksyon.

Ano ang Sintomas ng Alipunga?
Ang ilang alipunga ay nagdudulot ng pagtutubig at pagsusugat ng apektadong paa. Maaaring kumalat ang impeksyon sa parehong paa at mga paa lalo na kung kinakamot mo ang iyong paa gamit ang iyong kamay. Kailangang kumosulta sa inyong doktor kapag mayroon kang rash sa iyong paa at hindi ito gumagaling pagkatapos ang ilang lingo ng self-treatment. Kumonsulta agad sa doktor o dermatologist kung mayroon kang alipunga at mayroon ka ding diabetes.

Ano ang Sanhi ng Alipunga?
Ang alipunga ay resulta ng fungal infection. Katulad ito ng fungus na nagdudulot ng sakit na ringworm at jock itch. Ang mga basang medyas, sapatos at humid conditions ay nagreresulta sa pagdami ng mga fungi sa paa.

Ano ang mga Risk Factors? 
1. Mas madalas magkaalipunga ang mga lalake, Laging basa ang medyas o sapatos
2. Nakikigamit ng basahan, bed sheets, kumot, damit, sapatos at medyas ng isang taong may alipunga
3. Naglalakad ng nakapaa sa mga public areas tulad ng bathrooms, sauna, swimming pools
4. Mahina ang resistensya

Paano Maiiwasan ang Alipunga?
Para maiwasan makaroon ng alipunga, panatilihing laging tuyo ang mga paa lalo na ang mga pagitan ng daliri. Laging magpalit ng medyas. Magsuot ng maluwag at well-ventilated na mga sapatos. Huwag suotin ang iisang sapatos araw-araw. Huwag maglakad ng nakapaa lamang sa mga public places. Maaaring gumamit ng antifungal powder. Huwag makigamit ng sapatos.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed