Mga Bagay na Dapat Iwasan Upang Maprotektahan ang mga Ngipin

1:01:00 AM



Bilang pagdiriwang ng National Children's Dental Health Month ngayong Pebrero, narito ang mga bagay na dapat iwasan upang hindi masira ang mga ngipin

Ang pagsunod sa mga paraan upang mapangalagaan ang ngipin at ang regular na pagkonsulta sa dentista ay makakatulong upang lumaki ang mga batang may malinis at malusog na ngipin.

Mga Bagay na Dapat na Dapat Iwasan Upang Maprotektahan ang mga Ngipin.
1. Pagkagat ng yelo. Ang pagkagat ng yelo ay maaaring magdulot ng bitak sa iyong ngipin. Maaari ding magdulot ito ng pananakit ng ngipin.
2. Paglalaro ng Sports na walang gamit na mouth guard. Laging gumamit ng mouth guard kapag naglalaro ng contact sports tulad ng football, basketball, hockey etc. Ang mouthguard ay isang plastic na pumuprotekta sa itaas na ngipin. Kapag wala ito, madaling masira o mabasag ang ngipin kapag naaksidente sa laro.
3. Para sa mga sanggol at bata na sumususo sa bote, ugaliing tanggalin ang bote sa bibig ng bata kapag nakatulog na ito. Para hindi mababad sa asukal ang ngipin na maaaring magdulot ng pagdami ng bacteria sa bibig.
4. Paglalagay ng hikaw sa dila. Maaaring masira o magbitak ang ngipin kapag nakagat ang metal na hikaw sa dila. Ganito rina ng pwedeng mangyari kung may hikaw sa labi. Kapag nakiskis din ang metal na hikaw sa gilagid ay maaari rin itong magdulot ng pamamaga sa gilagid. Mas mataas din ang risk sa sores at infection. Kapag maglalagay ng hikaw sa labi o dila ay kumonsulta sa inyong dentista.
5. Grinding teeth o labis na pagkagat ng ngipin. Maaari nitong masira ang ngipin. Iwasan ang pagkain ng sobrang tigas na pagkain sa umaga.
6. Maglinis ng ngipin pagkatapos uminom ng cough drops o throat lozenge (ginagamit pantanggal ng sore throat). Karamihan sa mga ito ay maraming asukal. Ang asukal na ito ay maaaring magreact sa mga sticky plaque na nasa ngipin. Ang mga bacteria sa plaque ay maaring iconvert ang asukal sa acid na maaaring sumira ng ngipin at magdulot ng cavities.
7. Bawasan ang pagkain ng mga gummy candies. Ang candy na ito ay madikit sa ngipin. Dahil mayaman ito sa asukal, maaaring iconvert ito ng bacteria sa acid na sisira sa enamel ng ngipin.
8. Iwasan ang pag-inom ng softdrinks dahil mataas ang asukal nito. Iwasan din ang mga diet softdrinks dahil marami itong artificial sweetener. Marami ring phosphoric at citric acid ang softdrinks na nakakasira din ng ngipin.
9. Iwasan ipangbukas ng mga bagay (bote) ang iyong ngipin.
10. Bawasan ang pag-inom ng fruit juice. Bagamat mayaman ito sa vitamins at antioxidants, marami itong asukal. Piliin ang mga fruit juice na walang asukal na idinagdag.
11. Iwasan ang pagkain ng potato chips at mga starchy food dahil madalas silang naiiwan sa ngipin
12. Iwasan ang pagkagat ng lapis o ballpen habang nag-aaral o nagtatrabaho. 
13. Bawasan ang pag-inom ng kape dahil ang acid nito ay nagdudulot ng paninilaw ng ngipin.
14. Iwasan ang paninigarilyo dahil nagdudulot ito ng paninilaw ng ngipin. Sanhi din ito ng maraming klase ng kanser tulad ng motuh, lip at tongue cancer.
15. Bawasan ang pag-inom ng red at white wine dahil ang acid nito ay nakakasira din ng ngipin.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed