First Aid Kapag Mayroong Nosebleed

12:08:00 AM



Ano ang Dapat Gawin Kapag Nag-Nosebleed?
Marami ang nakakaranas ng nosebleeding o pagdudugo ng ilong. Kadalasan ay normal lang ito ngunit minsan ay isang tunay na problema sa kalusugan.

Mas madalas magkaroon ng nosebleed kapag malamig ang panahon. Mas madalas magkaroon ng nosebleed ang mga bata edad 2 hanggang 10 taon at ang mga matatanda edad 50 to 80 years old.

Ano ang Sanhi ng Pagdudugo ng Ilong? 
Ang kadalasang sanhi ng nosebleed ay trauma sa ilong tulad ng pagkakasuntok sa mukha, pagkalikot sa ilong o kapag sobrang lamig. Minsan ay maaari rin itong resulta ng hindi pagclot ng dugo dahil sa paggamit ng blood thinners tulad ng warfarin at aspirin. Ang mga may sakit sa atay ay maaaring magpatagal ng pagtigil ng nosebleed. Ang mga may high blood pressure ay maaari ring magkaroon ng nosebleed.

First Aid kapag nakaranas ng nosebleeding: 
1. Umupo ng maayos at iabante ang katawan. Ang pag-upo ng maayos ay nagpapababa ng blood pressure sa mga ugat sa ilong. Nakakatulong ito upang pigilan ang pagdudugo. Ang pag-abante ng katawan ay makakatulong na hindi malunok ang mga dugo na maaaring makairita ng tiyan. 
2. Pisilin ang ilong. Gamitin ang hinalalaki at hintuturo upang pisilin ang iyong ilong. Huminga sa iyong bibig. Pisilin ng lima hanggang sampung minuto. Ang pagpisil ay nagbibigay ng pressure sa nasal septum na nakakapagpatigil ng pagdudugo. 
3. Para maiwasan ang pagdudugo ulit ng ilong, kuwag kalikutin ang ilong at huwag bumahin o suminga gamit ang ilong. 
4. Iwasan ang paninigarilyo dahil nagrersulta ito sa panunuyo at iritasyon ng ilong.
5. Panatilihing mas mataas ng iyong ulo kaysa sa iyong puso huwag munang humiga. 
6. Kung sakaling dumugi ulit ang ilong, suminga sa iyong ilong upang matanggal kung mayroon mang namuong dugo at magpatak ng decongestant nasal spray na may oxymetazoline. Pisilin ang ilong at kapag hindi pa tumigil ay magpatingin na sa doktor.

Pumunta na sa pinakamalapit na emergency care kung ang pagdudugo ng ilong ay tumagal na ng mahigit 20 minuto at kung ang pagdudugo ng ilong ay dahil sa aksidente, pagkahulog o pagkabagok ng ulo, pagkakasuntok sa ulo.

Magpatingin sa doktor kung nakakaranas ng madalas na pagdudugo ng ilong. Baka kaiangan ng cauterization ng iyong ugat. Ang cautery ay isang technique kung saan sinusunog ang ugat sa pamamagitan ng kuryente, silver nitrate o laser. Maaari ring maglagay ng special gauze o inflatable latex baloon sa loob ng ilong upang magbigay ng pressure dito para tumigil ang pagdudugo. Kapag nakakaranas ng pagdudugo ng ilong habang umiinom ng pampalabnaw ng dugo tulad ng aspirin at warfarin.

You Might Also Like

8 comments

  1. ako po ay isang lalaki, 25years old na. madalas po dumudugo ang ilong ko mula pa grade 4. wla nmn pampagamot o pampa check-up sa sobrang hirap. minsan po sa dami ng dugo umaapaw ito sa ilong ko kahit nakahiga na ako. anu po ba gagawin ko?? matutulungan nyu po ba ako? ?

    ReplyDelete
  2. ako po ay isang lalaki, 25years old na. madalas po dumudugo ang ilong ko mula pa grade 4. wla nmn pampagamot o pampa check-up sa sobrang hirap. minsan po sa dami ng dugo umaapaw ito sa ilong ko kahit nakahiga na ako. anu po ba gagawin ko?? matutulungan nyu po ba ako? ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bawal po humiga pag nag dudugo yung ilong at bawal ren po tumingala kase pwede po itong mamuo ung dugo sa ulo naten paalala lang po pag umulit po ito bata palang po ako 😊 paalala lang po

      Delete
  3. ngayon lang po ito nangyari sa aking bunsong anak dumugo ang kanyang ilong dahilan na sya ay may lagnat posible po ba iyon? may dapat po ba akong ikabahala?

    ReplyDelete
  4. Ang kaybigan konpong babae ay 14 na taong gulang, madalas mag dugo ang kanyang ilong, mula pa po nubg isang araw, tapos mayat maya po, ano pong dapat naming gawin? Meron po bang dapat ikabahala?

    ReplyDelete
  5. Nakaranas po ako ng pagdurugo ng ilong, unang beses ko lamang ito naranasan, ako po ay 48 taong gulang, napatigil q naman ang pgdurugo kaya lang nadahak ako kaya dumugo ulit ito, sa paglilinis q ng aking ilong ay parang dadahak ulit aq at may nadura akong buong dugo, at nung nadura q na ay nawala na ulit ang pagdurugo ng aking ilong at parang nawala ung bara sa lalamunan ko. Mga ilang oras ang lumipas ay dumugo ito ulit? Ano po kaya ang ibig sabihin nito?

    ReplyDelete
  6. tanung q lNg po,anak q po 3 yrs old. napansin q po nadugo ang ilong nya tuwing hapon,pero nd nmn po xa nasasaktan pag pinipisil q, ano po kayang dahilan? iniicp q po dahil dun sa nauntog xa sa upuan at ung ilong tumama dumugo..pero mejo mtgal na po un pang yayari na un,pocble bang un ang dahilan? pero bakt po matagal na bago ulit dumugo ilong nya bagoq pa napansin na nadugo ilong nya pag hahapon na. ano po kyang sanhi? thank u sa sagot?

    ReplyDelete
  7. Dumugo po yung ilong ng kapatid ko dahil nauntog yung ilong nya madami po lumabas na dugo pero di nman po nagtagal wala pong sugat sa labas ng ilong nya kaya natatakot po kami at namamaga po din ang ilong nya may maaari pa po ba kaming icheck para ma asure na ok sya?

    ReplyDelete

Twitter Feed