First Aid Kapag Mayroong Nawalan ng Malay

12:06:00 AM



Nahihimatay ang isang tao kapag panandaliang naging hindi sapat ang dugo sa utak. Nawawalan ng malay ang isang tao nang panandalian. Ang pagkahimatay ay maaaring walang medical significance o walang sakit ang isang tao ngunit may mga sakit din na nagdudulot ng pagkahimatay. Kaya naman itinuturing na medical emergency kapag may nawalan ng malay ang isang tao. Kumonsulta sa inyong doktor kung palaging nawawalan ng malay

Kapag pakiramdam mo ay hihimatayin ka na, umupo ka muna o humiga. Huwag agad bumangon o tumayo upang hindi mawalan ng malay.

1. Kung makakita ka ng isang taong nawalan ng malay, ihiga ito nang nakatihaya. Kung humihinga ang pasyente, itaas ang mga paa ng pasyente na mas mataas sa posisyon ng puso upang bumalik ang daloy ng dugo sa utak. Luwagan ang sinturon ng pasyente, collar o damit na umiipit sa katawan ng pasyente. Huwag agad patayuin ang pasyente upang di ito himatayin ulit. Kung hindi magising ang pasyente sa loob ng isang minuto, tumawag sa pinakamalapit na emergency upang mabigyan ito ng atensyong medikal.
2. Tingnan ang daanan ng hangin ng pasyente. Siguraduhin na walang nakabara dito. Tingnan din kung sumuka ang pasyenteng nawalan ng malay. 
3. Tingnan kung humihinga, umuubo o gumagalaw pa ang pasyente. Kung hindi, simulan ang CPR. Tumawag sa pinakamalapit na emergency at ipagpatuloy ang CPR hanggang dumating ang tulong mula sa hospital o hanggang sa bumalik ang paghinga ng pasyente.

Kung nasugatan ang pasyente sa pagkawalan nito ng malay, gamutin at linisin ang mga sugat. Kontrolin ang pagdudugo sa pamamagitan ng direct pressure.

Humingi ng tulong mula sa hospital o emergency kapag nakitang kulay asul ang labi ng pasyente, iregular o sobrang bagal ng tibok ng puso, may pananakit ng dibdib, nahihirapang huminga, mahirap gisingin at mukhang lito o hilo ang pasyente.

Para maiwasang mawalan ng malay, kumain sa tamang oras, uminom lagi ng tubig at iwasan ang sobrang init na lugar.

You Might Also Like

21 comments

  1. Nahimatay po ang mister ko sa banyo..ng makita ko siya parang di niya Γ lam na hinimatay siya tapos nakita ko na naka ngiwi at labas ang dila niya..sobra kong kinabahan ang ginawa ko hinilamusan ko ng malamig na tubig at pinainom.pinaupo ko muna at muna pinahiga tinapik tapik ko ang mukha niya at nilagyan ko siya sa ulo ng nagyeyelong bimpo sa mukha..tama po ba yun?SAKA KO CHINEK BP NIYA NORMAL NAMAN PO

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas mabuti po kung pumunta po sa hospital upang makapagpacheck up. Nagkaroon po ba ng pagbabago sa kanyang pananalita? Nahirapan po ba magsalita? Namanhid o nanghina po ba ang kalakahati ng katawan? Nahirapn umintindi? Nawala po ba yung pagngiwi niya? Kasi maaring mild stroke po ang naranasan ng mister ninyo

      Delete
    2. Magandang hapon po doc, nahimatay po ako kahapon mag-isa
      sa bahayy , naiihi po kasi ako tapos diretso po akong tumayo (nakahiga po kasi ako) then while umiihi ako parang walang dugo yung heart ko ? Then nawalan na ako ng malay, and then bigla akong nagising nakahiga na po ako sa ground , nong pagtayo ko po masakit yung likod ng ulo ko and then paggising ko po kaninang umaga masakit po yung batok ko, ano pong maaari kong gawin?? Salamat po sana po mavasa nyo to

      Delete
  2. Magandang araw po doc. nawalan ng malay po ang nanay. habang wala po syang malay ay umuhi po sya. ano po kaya ang dahilan bakit ganun doc? salamat po.

    ReplyDelete
  3. gud am po doc.. pano po ang gagawin kapg grogi s gamot... bigla po kc xang nhilo at unti unting nwalan ng malay... pinaupo ko po xa mula 1am gang 6 am.. ok nmn po ang pghinga nya at pulso... pro po ung itsura nya parng tulog lng.. may times po pg ginigicng ko xa dumidilat mata nya pro di ngsasalita. .anu po bng dapat gawin..? ?

    ReplyDelete
  4. Good day Doc. Minsan po sinisikmura ang nanay ko tapos nawawalan ng malay saglit.pag nagkamalay na po sya, mabilis po ang paghinga nya, sumusuka sya,nanlalamig ang kanyang mga paa at sinisikmura pa rin po sya.ano po bang dapat gawin kapag ganun?dapat na po bang magpa check up?halos buwan2 po nangyayari sa kanya to.salamat po and God bless!

    ReplyDelete
  5. My kaibigan aq nawalan ng malay lasing sya.. .Hinilot sya ng kasama namin

    ReplyDelete
  6. anu po ang dapat gawin kapag nawalan ng malay tas nung nagkalay nahihilo?

    ReplyDelete
  7. Ano po bng pasibleng sakit ng isang taong 3x ng nkaranas ng pgkahimatay sa loob ng dalawang buwan? Nung pangatlong himatay ay nanigas din po sya.. Salamat

    ReplyDelete
  8. hello doc, may nararamdaman po ako ngayon mag dadalawang buwan na po, nagoa check napo ako sa dugo etc. at ihi.. normal nman po kasi.. bakit narramdaman ko parin yung nanlalabo mata ko,namumutla, nahihilo,nanghihina .. hindi ko po alam doc.ano ba sakit ko 😭😭😭

    ReplyDelete
  9. Doc pano po kung nasakot sa isang accident ung victim na untog sa saheg or na disgrace po tas mukhang sa ulo ang tama,,,nakaka tulong ba ang pag hila ng dila?tas nag nosebleed? Capable paba ung procedure ng pag taas ng paa ng mas high level kesa sa puso, then ung pag perform ng cpr?

    ReplyDelete
  10. ung tatay q doc nahimatay habang nag gagrass cutter ,mainit po kc ng araw n un malakas din magbisyo alak at sigarilyo taz dumuduty pa sa bargy ng magdamag ,nahimatay daw po sya ng naihi sa salawal at nagising din pi taz pinainom dw po ng tita q ng tubig mga ilang minuto sumuka dw po at nanginginig ang katawan tapoz bumubula din dw po ung bibig..ano po kaya ang dahilan

    ReplyDelete
  11. Hellow po doc....ung asawa q po ay driver ng tracking...nasa byahe po cia at sinabing nawalan daw po cia ng malay habang umiihi at kagigising lng daw po nia...matagal n pong hindi nagkakaganon ang aswa q.ngaun lng po ulit...ang lakas daw po ng pagkabagsak nia at masakit daw po ung ulo nai na napukpok sa semento...advice po kc kinakabahan po aq salamat

    ReplyDelete
  12. Maari ka po ba himatayin sa labis na pag iisip ng mga bagay bagay? Naranasan ko kasi yung bigla nablock yung isip ko. Hindi ko alam basta andilim ng paligid ko tapos nraramdaman ko unti unti ako nwawalan ng malay or babagsak pero pinipilit ko labanan sumisigaw ung isip q ng help... Tpos ung nalabanan ko po pg dilat ko hinabol ko yung hininga ko at medyo nhilo po ako. Any advice po

    ReplyDelete
  13. Hinimatay po ang anak ko. Tas pinaupo sy upuan subalit wl p sy malay at nktirik ang mata. Pinagsasampal ko ang kanyang pisngi pr masaktan at magkamalay maya maya pa nagising n sy tas sb ny bkit ano pong nangyari s akin. Ok lng po bang sinampalsampal ko sy? Ty

    ReplyDelete
  14. Doc ang anak ko 2beses nasya nahihimatay. Subrang takot ko. Tinanong kosya kng anong nararamdaman sabe nya nahihirapan dw sya huminga

    ReplyDelete
  15. Good evening po doc, yung mother ko po hinimatay kanina tas naihi po sya, ano pong dahilan kung bakit sya nahimatay at naihi po? Dalawang beses na po sya nahimatay nung una po nung thursday, pinacheck up po namen sya tas binigyan ng reseta ng doctor, tas kanina po ung pangalawang himatay po sya at naihi.. bakit po kaya ganun doc? Salamat po..

    ReplyDelete
  16. Good evening po doc, yung mother ko po hinimatay kanina tas naihi po sya, ano pong dahilan kung bakit sya nahimatay at naihi po? Dalawang beses na po sya nahimatay nung una po nung thursday, pinacheck up po namen sya tas binigyan ng reseta ng doctor, tas kanina po ung pangalawang himatay po sya at naihi.. bakit po kaya ganun doc? Salamat po..

    ReplyDelete
  17. Nahimatay Po yung brother ko kahapon. Nawalan ng Malay tapos nagising din, pinapahinga at nagsuka din daw Po. Para daw pong may lagnat siya sa loob.. malamig din daw Po pawis.. ano Po ba Yun doc

    ReplyDelete
  18. Magandang umaga tanong ko lang po.. Ang anak ko wala naman po lagnat pero nung parangnahilo hinimatay at tumirik ang mata bakit po kaya? Sana po inyo po ako matulungan anong dapat gawin.. Salamat

    ReplyDelete
  19. Magandang umaga po doc.nahimatay po ang partner ko kanina ang ginawa kopo minasahe ko buong katawan at ulo nya ng magising sya sobrang kirot daw ngnulo nya at sumuka ng madami bakit po kaya ganito ngaun langnpo ngyari ito

    ReplyDelete

Twitter Feed