Bakit May Namamatay sa Bangungot? Ano ba ang Totoong Dahilan Nito?

7:45:00 AM



Ano ang bangungot syndrome?
Ang bangungot o sudden unexpected death syndrome ay ginagamit upang ilarawan ang nakakatakot at matinding panaginip na kadalasan ay nauuwi sa kamatayan. Ang term na "bangungot syndrome" ay sinasabing madalas na nakikita sa mga taong kumain ng napakarami (matataba at mga seafoods) at uminom ng maraming alak bago matulog at hindi na nagigising pa. Ang posibleng sanhi nito ay acute hemorrhagic pancreatitis.

Ano ang Pancreas o Lapay?
Ang pancreas o lapay ay isang malaking gland sa likod ng tiyan katabi ng bituka. Ito ang gumagawa ng mga digestive enzymes na kailangan upang tunawin ang mga pagkain. Ito rin ang gumagawa ng insulin at glucagon na kailangan para sa regulasyon ng asukal sa ating katawan.

Ano ang Acute Pancreatitis?
Ang acute pancreatitis ay isang inflammatory condition ng pancreas o lapay na sobrang sakit at minsan ay nakakamatay. Sa kabila ng advances sa critical care medicine sa nakalipas ng 20 taon, ang mortality rate mula sa acute pancreatitis as 10%. Ang mga sakit sa pancreas ay mahirap madiagnose. Walang madaling paraan para makita ang pancreas directly na hindi kinakailangan ng operasyon at kadalasan ay hindi sapat ang mga imaging techniques.

Karamihan sa nagkakaroon ng acute pancreatitis ay gumagaling din matapos ang tamang gamutan. Ngunit may mga kaso na nagiging malala at nagreresuta sa pagdudugo ng lapay, tissue damage, infection at cyst formation.

Ano ang Sintomas ng Acute Pancreatitis? 
1. Sakit sa itaas na bahagi ng tiyan na umaabot hanggang sa likod. Lumalala ang sakit kapag kumakain lalo na kung matataba ang pagkain. 
2. Nahihilo at nagsusuka. Nilalagyan. 
3. Mabilis ang tibok ng puso at pulso.

Ano ang Sanhi ng Acute Hemorrhagic Pancreatitis?
Ang acute pancreatitis ay madalas na sanhi ng gall stones o labis na pag-inom ng alak at pagkain ng marami lalo na ang matatabang pagkain bago matulog. Ang mga bato sa apdo ay pwedeng bumara sa pancreatic duct na pwedeng magdulot ng injury sa pancreas. May kaso din nito na dahil sa pag-inom ng gamot, impeksyon, trauma, metabolic disorder o surgery.

Paano Maiiwasan ang Pancreatitis? 
1. Kumain ng masustansyang pagkain. 
2. Iwasan ang mga matatabang pagkain lalo na sa mga may bato sa apdo.
3. Iwasan ang mga red meats, itlog at butter. 
4. Huwag uminom ng alak o bawasan ang pag-inom nito (limitahan sa isa hanggang dalawang baso kada araw). 
5. Mag-ehersisyo araw-araw.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed