Paano Makakaiwas sa Bad-ass na Almoranas?

7:38:00 AM


Ano ang Almoranas o Hemorrhoids?

Ang hemorrhoids o almoranas ay mga namamagang mga ugat sa may anus (butas ng puwit) o rectum. May dalawang klase ng almoranas, internal at external. Ang internal hemorrhoids ay nasa loob ng anus at ang external hemorrhoids naman ay nasa labas. 

Mas madalas na nakikita ang external hemorrhoids sa mga may almoranas at kadalasan ay mas masakit ito. Ang almoranas ay nagdudulot ng sakit, matinding pangangati sa puwitan at hirap sa pag-upo. Ngunit hindi mo kailangang magdusa sa almoranas dahil kaya itong gamutin.

Paano Nagkakaroon ng Almoranas?


Internal at External Hemorrhoids

Ang mga ugat sa anus ay nababatak kapag nagkakaroon ng pressure dito at maaari itong lumobo o mamaga. Ang mga swollen veins (hemorrhoids) ay dulot ng pagkakaroon mataas na pressure sa lower rectum. Ang mga bagay na nagdudulot ng mataas na pressure ay ang 

  • Hirap at pagpilit na ilabas ang dumi
  • Pag-upo ng matagal sa toilet
  • Chronic diarrhea (pagtatae) at constipation (pagtitibi)
  • Obesity (sobrang katabaan)
  • Pagbubuntis dahil lumalaki ang uterus kaya nagbibigay ito ng pressure sa mga ugat sa colon
  • Anal intercourse
  • Low-fiber diet
Mas madalas na magkaroon ng almoranas habang tumatanda dahil ang mga laman o tissues na nakapaligid sa mga ugat sa ating rectum at anus ay humihina at mabilis nababanat dahil sa katandaan.

Senyales at Sintomas ng Almoranas 

  • Matinding pangangati sa bahagi ng anus
  • Iritasyon at mahapding pakiramdam sa anus
  • Makakating mga malilit na bukol sa bahagi ng anus
  • Fecal leakage o hindi makontrol ang paglabas ng dumi.
  • Masakit na pakiramdam kapag dumudumi
  • Dugo sa dumi o sa tissue na ginamit sa paghuhugas ng puwit

Ang almoranas ay masakit ngunit hindi naman ito nakamamatay at kadalasan ay gumagaling na lamang ng kusa kahit hindi gamutin. Ngunit kung madalas kang magkaroon ng almoranas, maaari kang magkaroon ng mga sintomas ng anemia tulad ng panghihina, maputlang balat, dahil sa mga dugong nawawala sa iyo, ngunit ito ay madalang lamang.

Paano Malalaman Kung Ikaw ay May Almoranas?

Magkakaroon ng visual examination o pagtingin sa iyong anus upang makita kung may almoranas. Para kumpirmahin ang diagnosis, magsasagawa ng digital rectal exam upang makita kung may abnormalities sa loob ng anus. Ipapasok ng doktor ang daliri ng nakagwantes at may lubricant sa rectum ng pasyente.

Digital Rectal Examination

Kung may makapang hindi normal ang doktor ay maaaring magsagawa pa ng karagdagang test katulad ng sigmoidoscopy.


Paano Ginagamot ang Hemorrhoids?

Pain Relief
Para mabawasan ang sakit mula sa almoranas, maaaring magbabad sa mainit (warm) na tubig sa loob ng sampung minuto kada araw. Maaari ring umupo sa boteng may mainit na tubig para maalis ang sakit mula sa external hemorrhoids. Kung nakakaranas ng sobrang sakit, maaaring bumili ng mga over-the-counter medicates suppository, ointment, or cream para maalis ang sakit at pangangati.

Dietary Fiber. Kailangang damihan ang pagkaing mayaman sa fiber. Makakatulong ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng hemorrhoids. Ang mga pagkaing mayaman sa fiber ay whole wheat, brown rice, oatmeal, peras, carrots, bran, mga prutas at gulay. Uminom ng sapat na tubig. Iwasan ang pagkain ng mga saturated fats.

Huwag magpigil ng pagdumi. Agad na pumunta sa banyo upang dumumi. Iwasan din ang stress dahil isa itong risk factor sa pagkakaroon ng hemorrhoids, constipation at inflammation. Ang pagkakaroon ng stress ay nagdudulot ng paglalabas ng katawan ng mga hormones na maaaring magpabagal ng pagtunaw ng pagkain at pagdumi at nagdudulot ng inflammation. Nguyain ng mabuti ang mga pagkain upang mabilis itong matunaw at maabsorb ng mga bituka. 

Kailan Dapat Pumunta sa Doktor?

Ang pagkakaroon ng dugo sa dumi ang pinakamadalas na senyales ng almoranas. Ngunit ang pagkakaroon ng dugo sa dumi ay makikta din sa ibang sakit tulad ng colorectal cancer at anal cancer. Mainam na magpatingin sa inyong doktor upang malaman ang dahilan ng pagkakaroon ng dumi sa inyong dumi.

Magpatingin sa inyong doktor kapag nakaranas ng mga senyales at sintomas na nabanggit sa itaas at nakakaranas din ng pagkahilo, panghihina at nawawalan ng malay. Agad ding magpatingin kung sobrang sakit na ng almoranas, madalas na pagkakaroon ng dugo sa dumi at kung hindi pa rin bumuti ang pakiramdam kahit na nagsasagawa na ng mga home remedies.

Paalala. Ang mga impormasyon na makikita sa post na ito ay para lamang magbigay alam sa mga mambabasa tungkol sa sakit na almoranas Ito ay hindi dapat gawin kapalit ng personal na konsultasyon sa inyong doktor.


References
http://www.healthline.com/health/hemorrhoids#Overview1
http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/basics/treatment/con-20029852
http://www.health.harvard.edu/blog/6-self-help-tips-for-hemorrhoid-flare-ups-201307196496
http://www.healthy-diet-healthy-you.com/Hemorrhoid-Diet.html
http://www.livestrong.com/article/410625-foods-to-eat-when-you-have-hemorrhoids/
http://www.emedicinehealth.com/hemorrhoids/article_em.htm
http://www.graceprostatecancercentre.co.nz/wp-content/uploads/2012/06/BX00020_40018_1.jpg


You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed