Paano Maiiwasan Ang Cervical Cancer?

9:26:00 PM



Ang cervical cancer ay isa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa mga kababaihan. Sa mga nakaraang taon ay bumaba na ang kaso ng cervical cancer. Ngunit ayon sa tala ng Center for Disease Control and Prevention ay humigit 12,000 kaso ng cervical cancer at 4000 babae ang namatay dahil dito noong 2012.

Ano Ang Cervical Cancer? 

Ang cervical cancer ay kanser sa ibabang bahagi ng uterus (bahay-bata) na tinatawag na cevix. Ang cervix ang nagdudugtong sa vagina at uterus. Ang mga karaniwang uri ng cacer sa cervix ay squamous cell carcinoma at adenocarcinoma. 

Iba't ibang uri ng mga sexually transmitted infection human papillomavirus (HPV) ang sanhi ng pagkakaroon ng cervical cancer cells. Nilalabanan ng immune system ng mga kababaihan ang HP, pinipigilan nitong magdulot ito ng cancer. Ngunit may mga kababaihan na nagkakaroon ng HPV dahil hindi napapatay ng kanilang immune system ang HPV at nabubuhay sa kanilang katawan sa loob ng ilang taon at nagdudulot ng cancer.

Cervical Cancer

Ano ang Sintomas ng Cervical Cancer? 


Walang sintomas na nararanasan ang mga kababaihang may cervical cancer lalo na kung bago pa lang ang cancer. Habang lumalala ang cancer, maaaring makaranasa ng

  • Pagdudugo ng ari pagkatapos magtalik, kahit wala pang buwanang dalaw (mens) at kahit menopause ay nagkakaroon pa rin ng pagdudugo sa ari
  • Watery, bloody vaginal discharge na may mabahong amoy
  • Pananakit ng balakang at lower back
  • Nakakaramdam ng sakit tuwing nakikipagtalik

Kung kumalat na ang cancer sa buong katawan maaaring makaranas ng 
  • Pagbaba ng timbang
  • Laging pagod
  • Pananakit ng likod
  • Pamamaga ng binti
  • Bone fracture
  • Leakage of urine or feces from the vagina
Kung makaranas ng mga nasabing sintomas ay agad na kumonsulta sa inyong mga doktor

Ano Mga Risk Factors Para sa Cervical Cancer?

  • Pakikipagtalik sa iba't ibang lalake
  • Pakikipagtalik sa murang edad
  • Pagkakaroon ng sexually transmitted infections
  • Mahinang immune system
  • Paninigarilyo

Paano Maiiwasan ang Cervical Cancer? 

  • Pagpapabakuna laban sa HPV. Mayroong HPV vaccine para sa mga babaeng edad 9 hanggang 26. 
  • Pap tests. Hinihikayat ang mga babaeng edad 21 pataas na sumailalim sa Pap test. Nakikita sa test na ito kung may mga precancerous cells sa cervix ng babae. Nagkakahalaga lamang ito ng P150.
  • Visual Inspection using Acidity acid method or VIA. Isa itong test na ginagawa ng mga midwives sa mga rural areas upang malamang kung may cervical cancer ang isang babae.
  • Safe sex. Huwag makipagtalik sa iba't ibang lalake, gumamit ng condoms at huwag makipagtalik kapag wala pa sa tamang edad.
  • Huwag manigarilyo. Mas mataas ang pagkakataon na magkaroon ng squamous cell cervical cancer kapag naninigarilyo.

Paano Ginagamot Ang Cervical Cancer?

Depende sa stage ng cacer, iba-iba ang maaaring gawing gamutan ng inyong mga doktor. Kapag mas maagang nalaman na may cervical cancer, mas malaki ang pag-asang magamot ito. Ang mga karaniwang gamutan ay surgery, radiation, chemotherapy o kombinasyon ng tatlong ito. 

May mga babae ring sumasailalim sa hysterectomy (pag-aalis ng uterus) upang gamutin ang mga early-stage cervical cancer at maiwasan ang pagbalik ng cancer. Ngunit hindi na pwedeng mabuntis at manganak ang mga babaeng sumailalim sa hysterectomy.

Mahalagang malaman mo kung mayroon kang cervical cancer upang maagapan ito at magamot. Lamang ang may alam. Prevention is better than cure.


References:
http://mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/cervical-cancer-awareness
http://www.cancer.org/cancer/cervicalcancer/moreinformation/cervicalcancerpreventionandearlydetection/cervical-cancer-prevention-and-early-detection-cervical-cancer-signs-and-symptoms
http://www.cancercenter.com/cervical-cancer/symptoms/
http://www.mb.com.ph/cervical-cancer-top-case-among-women-in-the-philippines-doh/

You Might Also Like

2 comments

  1. Magkano naman po kaya ang cervical cancer vaccine?

    ReplyDelete
  2. Ano nga pala ang gagawin para malaman kong mayron bang tumor sa matris? Anong pangalan sa doktor na pwd naming lalapitan

    ReplyDelete

Twitter Feed