Nail Clubbing at Ang Implikasyon Nito sa Iyong Kalusugan

7:46:00 AM


Mayroon ka bang ganitong kuko? Ang tawag sa hugis ng kuko na ito ay nail clubbing. Nangyayari ang nail clubbing kapag lumalaki at kumukurba ang dulo ng kuko. Ang kondisyong ito ay kadalasang resulta ng mababang oxygen sa dugo ng isang tao. Maaari itong senyales ng sakit sa baga. Kadalasan din itong nakikita sa mga may inflammatory bowel disease, cardiovascular disease, liver disease at AIDS.

Lung cancer ang pinakamadalas na sanhi ng clubbing. 3 sa kada 10 tao na may non small cell lung cancer ang mayroon finger clubbing. 4 kada sampung tao na may small cell lung cancer ang may finger clubbing. Maaari rin itong makita sa mga taong may mesothelioma. Ang mga congenital heart defects, chronic lung infection tulad ng bronchiectasis, cystic fibrosis or lung abscess, infectious endocarditis, liver cirrhosis, celiac disease ay maari ring magdulot ng clubbing.

Kapag ang pasyente ay mayroong clubbing, may iba't ibang test na isinasagawa nag mga doktor upang malaman ang sanhi nito. Importante ang medical history upang malaman kung ito ay may kaugnayan sa baga, puso o sa bituka. Ang iba pang mga tests na pwedeng gawin ay, EKG, arterial blood gas, echocardiogram, pulmonary function test, chest X-ray o chest CT scan.

Hindi normal ang pagkakaroon ng nail clubbing. Kung mayroon ka nito ay mabuting pumunta at kumonsulta sa inyong mga doktor.

Paano Malalaman Kung Mayroon Kang Nail Clubbing?



Gayahin ang larawan sa itaas. Pagdikitin ang dalawang parehong daliri. Kapag nakakita ka ng hugis diamond sa pagitan ng dalawang kuko ay normal at wala kang clubbing. Ngunit kung wala kang makita espasyo kapag pinagdikit kagaya ng nasa kanang itaas na larawan ay mayroon kang clubbing.

References
http://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/multimedia/nails/sls-20076131?s=2
http://www.nytimes.com/health/guides/symptoms/clubbing-of-the-fingers-or-toes/overview.html
http://www.cancerresearchuk.org/about-cancer/cancers-in-general/cancer-questions/what-is-finger-clubbing
http://img.medscape.com/fullsize/migrated/editorial/clinupdates/2008/8996/williams.fig2.jpg

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed