Mga Pagkaing Nakakaalis ng Hangover

12:58:00 AM



Ang hangover ay ang pagkakaroon ng mga hindi kanais-nais na epekto ng sobran pag-inom ng alak na maaaring tumagal nang higit 24 na oras Ang mga sintomas ng hangover ay ang sakit ng ulo, pagkahilo, inantok, hirap magfocus, tuyong bibig, pagod, pananakit ng tiyan, pagpapawis at anxiety. Narito ang ilang mga pagkain na makakatulong alisin ang mga sintomas ng hangover matapos uminom ng alak.

1. Tubig

Ang tubig ang isa sa pinakakailangan ng katawan upang maalis ang hangover. Ang alcohol ay isang diuretic na nagdudulot ng madalas na pag-ihi. Ito ay nagreresulta sa dehydration. Sinasabing mainam na uminom ng isang baso ng tubig sa bawat baso ng alak na iinumin. Ito ay para mapalita ag body fluids na mawawala sa katawan. Ayon kay Alicia Young, isang registered dietitian sa Austin Texas, ang tubig ay nakakabawas ng matinding pagkahilo at pagod. Ang pag-inom ng tubig bago matulog ay nakakatulong na bawasan ang epekto ng hangover sa katawan.

2. Luya o Peppermint Tea

May mga pag-aaral na ginawa na nagsasabing ang pag-inom ng herbal teas ay perpektong pang-alis ng hangover-reated na pagkahilo o pagsakit ng tiyan. Napag-alaman din na nakakatulong ang green teas sa ating atay na tanggalin ang mga toxins/lason mula sa nainom na alak.

3. Asparagus 

Ang mga amino acids na matatagpuan mula sa asparagus ay nakakatulong sa katawan na tunawin/digest ang alcohol. Sa pamamagitan nito ay hindi nagtatagal ang mga toxic byproducts ng alak sa ating katawan. 

4. Salmon

Ang mababang lebel ng vitamin B6 at B12 sa ating katawan ay nakakapagpalala ng hangover. Ang salmon ay mayaman sa vitamins B at makakatulong na mawala ang epekto ng hangover.

5. Saging at Pretzel

Ang mga ito ay mayaman sa salt and potassium content na nakakatulong na maiwasan ang dehydration. Ang potassium ay electrolytes na nakakatulong na panatilihin ang tubig sa ating katawan upang hindi tayo madehydrate.

6. Mangga at iba pang Prutas

Ang mga natural sugars na matatagpuan sa mga prutas at honey (pulot) ay nakakatulong sa mabilis na paglalabas ng alak mula sa ating katawan. Ilan sa mga prutas na mainam kainin ay mannga, ubas, peras at pakwan.

7. 'Bland' Foods

Ito ay ang tinatawag na BRAT diet. Banana, Rice, Applesauce at Toast. Itong mga pagkaing ito ay madaling tunawin ng ating mga bituka. Mayroon din silang mga carbohydrates na nakakatulong maalis ang masakit na tiyan at pagkahilo mula sa hangover.

8. Kamatis

Ang kamatis ay mayaman sa mga bitamina, minerals, enzymes at fructose na nakakatulong sa ating katawan na tunawin at alisin ang alak. Maaaring gumawa ng tomato juice na may kaunting cayenne pepper, asukal at lime para pang-alis ng hangover.


References
http://www.medicaldaily.com/hangover-cure-6-best-ways-feel-person-again-backed-research-292984
http://health.clevelandclinic.org/2014/11/5-foods-that-can-beat-your-holiday-hangover/
http://inhabitat.com/6-natural-hangover-remedies-to-cure-what-ails-ya-on-new-years-day/tomato-juice
http://www.mirror.co.uk/news/uk-news/average-person-spends-entire-year-4186609
https://en.wikipedia.org/wiki/Hangover

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed