Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Mammogram

12:38:00 AM



1. Ano Ang Mammogram?

Ang mammogram ay isang uri ng x-ray exam kung saan tinitingnan kung normal o may pagbabago sa suso ng isang babae. Ginagamit ito ng mga radiologist upang malaman kung may problema sa suso ang isang babae tulad ng cyst o breast cancer.

2. Ano ang pinakamagandang test para malaman kung may breast cancer?

Ang mammogram at clinical breast exam ang pinakaepektibong paraan upang malaman kung may breast cancer ang isang babae. Mahalaga na makita ang breast cancer ng maaga upang maagapan ito at lumaki ang posibilidad na magamot ang pasyente. 

3. Paano Ginagawa ang Mammogram?

Tatayo ang pasyente sa harap ng isang special x-ray machine. Ilalagay ng radiologic technician ang suso ng babae sa pagitan ng x-ray plate at plastic plate. Ang mga plates na ito ay kadugtong ng x-ray machine. Medyo iipitin ng machine ang suso upang mas makita sa x-ray kung may bukol ito. Maaaring makaramdam ng kaunting sakit habang isinasagawa ang mammography. Ang screening mammogram ay maaaring tumagal ng 30 minuto.

4. Gaano kadalas dapat sumailalim sa mammogram? 

Ayon sa United States Preventive Services Task Force recommendations: Ang mga babaeng may edad 50 hanggang 74 ay dapat magpamammogram kada dalawang taon. Ang mga babaeng mas bata sa 50 taon ay dapat kumonsulta sa inyong doktor kung kailan kayo dapat magpamammogram.

5. Anong paghahanda ang dapat gawin bago ang mammogram? 

Una, itanong sa hospital o clinic na magsasagawa ng mammogram kung mayroon silang instructions para sa mga pasyente na magpapamammogram. Narito ang ilan sa mga general guidelines na dapat gawin: 

  • Kung may buwanang dalaw, huwag magpamammogram isang linggo bago ang iyong buwanang dalaw. Ito ay upang mas malambot at hindi maga ang suso. Makakatulong ito upang hindi maging masakit ang mammogram at maging maayos ang itsura ng x-ray paltes.
  • Kung mayroon kang breast implant, sabhin sa inyong doktor at sa mammography facility na mayroon kang breast implant bago magpamammogram.
  • Magsuot ng komportableng damit na madaling hubarin.
  • Huwag gumamit ng deodorant, pabango, lotion o pulbos sa iyong kilikili at uso sa arraw ng mammogram appointment. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng anino sa mammogram results.


6. Magkano ang pagpapamammogram?

Iba-iba ngunit nagsisimula sa 1000/2000 pesos ang halaga ng mammogram test



Source: Office of the Women's Health (http://www.womenshealth.gov/index.php)

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed