Mga Benepisyo ng Pag-Inom ng Tubig sa Tamang Oras

4:17:00 PM



Siguruhin na hindi ka lang basta umiinom ng tubig ngunit umiinom ka ng tubig sa tamang oras upang mas magbigay ito ng magandang epekto at benepisyo sa iyong katawan.

1. Dalawang baso ng tubig pagkagising. Ang pag-inom ng tubig pagkagising ay nakakatulong na iactivate ang ating mga internal organs. Ito ay makakatulong na tanggaling ang mga toxins/lason sa ating katawan bago kumain ng agahan.

2. Isang basong tubig bago kumain. Nakakatulong ito na tunawin ng mabuti ang pagkain. Wag uminom ng tubig ilang minuto lang bago kumain dahil maaapektuhan nito ang mga digestive juices na tumutunaw ng ating pagkain. Uminom ng tubig 1 oras hanggang 30 minuto bago kumain upang lubusang maabsorb ng ating katawan ang mga nutrients mula sa pagkain.

3. Isang basong tubig bago maligo. Nakakatulong ito na pababain ang iyong blood pressure.

4. Isang basong tubig bago matulog upang maibalik ang mga fluids na mawawala sa ating katawan sa gabi habang tayo ay natutulog. Nakakatulong din ito na maiwasan ang pagkakaroon ng stroke at heart attack.

May mga pagkakataon din na dapat umiinom ng tubig. Bago mag-ehersisyo at pagkatapos mag-ehersisyo. Uminom din ng tubig kapag napapagod dahil ang pagkapagod ay isang senyales ng dehydration. Uminom ng tubig kapag ikaw ay may sakit. Ang pag-inom ng tubig ay nakakatulong na ilabas ang mga bacteria at virus sa iyong katawan.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed