Mga Benepisyo ng Iba't Ibang Kulay na Prutas at Gulay

6:36:00 AM



1. Mga Pulang Prutas at Gulay

Ang mga prutas at gulay na kulay pula ay mayaman sa lycopene, ellagic acid, quercetin at hesperidin. Ang mga nutrients na ito ay nakakatulong upang maiwasan ang prostate cancer, nakakapagpababa ng blood pressure, nakakapigil ng paglaki ng tumor, nagpapababa ng LDL cholesterol levels, antioxidants na nag-aalis ng mga toxins sa ating katawan at nakakatulong na maalis ang sakit na nararamdaman mula sa rayuma.

Halimbawa ng mga prutas at gulay na pula: Beets, Blood oranges, Cherries, Cranberries, Guava, Papaya, Pink grapefruit, Pink/Red grapefruit, Pomegranates, Radishes, Raspberries, Red apples, Red bell peppers, Red chili peppers, Red grapes, Red onions, Red pears, Red peppers, Red potatoes, Strawberries, Tomatoes, and Watermelon.

2. Mga Prutas at Gulay na Kulay Yellow at Orange

Ang mga nutrients na makikita sa mga pagkaing kulay yellow at orange ay beta carotene, zeaxanthin, flavonoids, lycopene, potassium at vitamin C. Ang mga nutrients na ito ay nakakatulong na labanan ang pagkabulag dahil sa macular degeneration at nakakatulong na labanan ang prostate cancer. Nakakapagpababa din itong ng LDL cholesterol at blood pressure. Tumutulong ito sa paggawa ng collagen sa ating katawan para patibayin ang mga joints. Ito rin ay may antioxidant activity at tumutulong sa pagpapatibay ng ating mga buto.

Halimbawa ng mga prutas at gulay na yellow at orange: Butternut squash, Cantaloupe, Carrots, Golden kiwifruit, Grapefruit, Lemon, Mangoes, Oranges, Papayas, Peaches, Persimmons, Pineapples, Pumpkin, Sweet corn, Sweet potatoes, Tangerines, Yellow apples, Yellow beets, Yellow figs, Yellow pears, Yellow peppers, Yellow potatoes, Yellow summer squash, Yellow tomatoes, Yellow watermelon, and Yellow winter squash.

3. Mga Prutas at Gulay na Berde.

Ang mga nutrients na matatagpuan ay ang mga chlorophyll, fiber, lutein, zeaxanthin, calcium, folate, vitamin C, calcium at beta carotene. Ang mga nutrients na ito ay nakakatulong na labanan ang cancer, nakakapagpababa ng LDL cholesterol at blood pressure, tumutulong na gawing normal at tama ang pagtunaw ng pagkain sa ating tiyan, nakakatulong sa kalusugan ng ating mga mata, nilalabanan ang mga harmful free-radicals at nakakatulong na palakasin ang ating resistensya.

Mga Halimbawa ng Prutas at Gulay na Kulay Berde: Arugula, Asparagus, Avocados, Broccoli, Broccoli rabe, Brussel sprouts, Celery, Chayote squash, Chinese cabbage, Cucumbers, Green apples, Green beans, Green cabbage, Green grapes, Green onion, Green pears, Green peppers, Honeydew, Kiwifruit, Leafy greens, Leeks, Lettuce, Limes, Okra, Peas, Snow Peas, Spinach, and Zucchini

4. Mga Prutas at Gulay na Asul at Ube.

Ang mga nutrients na matatagpuan dito ay lutein, zeaxanthin, resveratrol, vitamin C, fibers, flavonoids, ellagic acid at quercetin. Ang mga nutrients na ito ay nakakatulong sa kalusugan ng ating mata, nakakapagpababa ng LDL cholesterol at blood pressure, nakakapagpataas ng ating resistensiya, nakakatulong sa normal na pagtunaw ng pagkain sa ating tiyan, tumutulong na mas maabsorb ng ating katawn ang calcium at iba pang mineral, tumutulong na labanan ang mga pamamaga sa ating katawan, nilalabanan ang paglaki ng tumor at mga kanser.

Halimbawa ng Mga Prutas at Gulay na Asul at Ube: Black currants, Black salsify, Blackberries, Blueberries, Dried plums, Eggplant, Elderberries, Grapes, Plums, Pomegranates, Prunes, Purple Belgian endive, Purple Potatoes, Purple asparagus, Purple cabbage, Purple carrots, Purple figs, Purple grapes, Purple peppers, and Raisins.

5. Mga Prutas at Gulay na Kulay Puti. 

Ang mga nutrients na matatagpuan dito ay beta glucans, EGCG, SDG at lignans na nakakatulong na palakasin ang ating resistensya. Ang mga ito ay tumutulong na iactivate ang ating mga natural killer B at T cells upang labanan ang mga mikrobyo na pwedeng magdulot ng sakit sa atin. Nakakatulong din ang mga ito na labanan ang colon, breast at prostate caner. Nakakatulong din sa normal na balance ng hormones sa atingkatawan at nakakatulong na labanan ang mga hormone-related cancers

Halimbawa ng mga Prutas at Gulay na Kulay Puti: Bananas, Brown pears, Cauliflower, Dates, Garlic, Ginger, Jerusalem artickoke, Jicama, Kohlrabi, Mushrooms, Onions, Parsnips, Potatoes, Shallots, Turnips, White Corn, White nectarines, and White peaches.


References
http://www.disabled-world.com/artman/publish/fruits-vegetables.shtml
https://inezpe.files.wordpress.com/2012/11/tumblr_m83mljwtdt1rsvy3po1_500.jpg

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed