Ano ang Prostate Cancer?

7:15:00 AM


Ano ang Prostate Cancer?

Ang prostate ay gland ng male reproductive system. Naglalabas ito ng mga likidong kahalo ng semen. Ito ay makikita sa ilalim ng urinary bladder. Ang prostate cancer ay isa sa mga madalas na cancer ng mga lalake na may edad 50 taon pataas.


Ang prostate cancer ang ikaapat na pinakamadalas na cancer sa mga lalakeng Pilipino. 8 kaso ng prostate cancer ang naitatala kada araw. Isa sa kada 100 lalake ang mamatay dahil sa prostate cancer bago pa siya maging 75 taong gulang. 


Ano ang Dahilan ng Prostate Cancer?

Ang prostate cancer ay madalas matagpuan sa mga matatandang lalake. 80% ng kaso ng prostate cancer at makikita sa mga lalakeng 65 taong gulang pataas. At less than 1% lamang ang makikita sa mga lalakeng 50 taong gulang pababa. Ang mga lalakeng may family history ng prostate cancer ay may malaking posibilidad na magkaroon din ng sakit na ito.


Ilan sa mga risk factors ng prostate cancer ay ang pagkain ng sobrang matatabang pagkain mula sa red meat. Nakita na mas mataas ang kaso ng prostate cancer sa mga mahilig kumain ng dairy at meat products. Ang mga welder, battery manufacturers, rubber worker, mga trabahador na exposed sa metal cadmium ay may malaking posibilidad na magkaroon ng prostate cancer. Ang hindi pag-eehersisyo ay nakakadagdag din sa risk ng prostate cancer.


Ano ang mga sintomas ng prostate cancer? 


Walang sintomas sa simula ng pagkakaroon ng prostate cancer. Habang lumalaki ang tumor, nagreresulta ito sa pamamaga ng prostate gland. Ang mga sintomas na mararanasan ay: 1. Madalas na pag-ihi lalo na kung gabi. 2. Hirap sa pagsisimula at pagtatapos ng pag-ihi. 3. Paunti-unti at putul-putol na paglabas ng ihi. 4. Biglang naiihi kapag umuubo o tumatawa. 5. Hirap na umihi kapag nakatayo. 6. Masakit at mahapding pakiramdam kapag umiihi o nilalabasan ng semilya. 7. Dugo sa ihi o semen.8. Hirap na magkaroon ng penile erection (impotence)



Ang mga sintomas na nabanggit ay bunga ng paglaki ng prostate na nagdudulot ng pagbabara sa mga katabing organs nito.  Ang sintomas ng advanced o malalang prostate cancer ay ang mga sumusunod:1. Pananakit at paninigas ng balakang, likod, ribs at hita. 2. Pagbaba ng timbang. 3. Walang ganang kumain. 4. Laging pagod. 5. Laging nahihilo o nagsusuka. 6. Namamaga ang mga paa. 7. Nanghihina o paralisado ang mga binti. 8. Hirap dumumi.



Paano Maiiwasan ang Prostate Cancer?


1. Iwasan ang matatabang pagkain. 2. Bawasan ang pagkain ng mga processed meats tulad ng hotdogs, bologna, tocino at iba pa. 3. Kumain ng lima o higit pang servings ng prutas at gulay kada araw. 4. Mag-ehersisyo palagi.



Paano Malalaman Kung Mayroon Akong Prostate Cancer?


1. Prostate-Specific Antigen Test. Susukatin ang dami ng PSA sa dugo ng isang lalake. Kapag mataas ang bilang ng PSA sa dugo ay maaari itong maging indikasyon ng prostate cancer.2. Digital Rectal Examination. Ipinapasok ang daliri (na may lubricated gloves) sa puwit ng lalake upang makapa kung may abnormal na pagbabago sa prostate ng lalake.



Kung nakakaranas ka ng mga sintomas na nabanggit ay mabuting kumonsulta sa inyong doktor upang malaman kung mayroon kayong prostate cancer.


You Might Also Like

3 comments

  1. Kung umabot po ng 100 ang bilang ng psa mo tapos wala ka namang nararamdaman na masakit at walang nakapang matigas s loob ng pwet ng lalaki..senyales parin ba ito na may prostate cancer ka?salamat sa pagsagot...

    ReplyDelete
  2. Ano po ang dapat gawin kung may prostate ka . At ano ung bawal kainin. ~ salamat po

    ReplyDelete
  3. ang pagjajakol ba ay nkakadulot ng prostate cancer?

    ReplyDelete

Twitter Feed