Ano Ang Ibig Sabihin ng Kulay ng Iyong Ihi?
12:05:00 AM
Hindi madalas pinag-uusapan ang ihi. Ngunit ang mga pagbabago sa ihi ng tao - sa kulay, amoy at lapot - ay maaaring magamit upang malaman ang kalagayan ng iyong kalusugan. Nakikita sa mga pagbabago sa ihi kung ano ang iyong kinakain, iniinom at ano ang mga sakit na maaaring mayroon ka.
Kung may napapansin kang pagbabago sa iyong ihi, nag-iba ang kulay o mayroon kakaibang amoy, ang sanhi nito ay maaaring dahil lang sa kinain mo o maaari ring senyales na ito ng isa sakit tulad ng impeksyon o cancer.
Ang kulay dilaw sa ating ihi ay mula sa pigmen na urochrome. Ang kulay ay nagbabago depende sa dami ng tubig na ating iniinom. Mapusyaw ito kapag maraming tubig ang iniinom at nagiging matingkad ang pagkadilaw kung kulang sa tubig o dehydrated ang isang tao.
Ano ang Ibig Sabihin ng Mga Kulay ng Ihi?
- Walang kulay o transparent. Masyadong maraming tubig ang iniinom.Maaaring bawasan ang dami ng tubig na iniinom.
- Transparent Yellow. Normal at tama ang dami ng tubig na iniinom.
- Matingkad na Yellow. Normal ngunit kinakailangan na uminom na ng tubig
- Amber or Honey. Kulang ang dami ng tubig na iyong iniinom. Kailangan nang uminom agad ng tubig.
- Syrup o Kayumanggi. Maaaring mayroong sakit sa atay. Maaari din namang may matinding dehydration o kakulangan ng tubig sa katawan. Uminom ng tubig at magpatingin sa inyong doktor kapag hindi nawala ang kayumangging kulay.
- Pink o Pula. Maaaring kakain lang ng ng beets, blueberries or rhubard. Kung hindi kumain ng mga pagkaing nabanggit, indikasyon ito ng pagkakaroon ng dugo sa iyong ihi. Maaaring hindi ito dahil sa anumang sakit o maaaring senyales ito ng sakit sa bato, tumor urinary tract infections, problema sa prostate iba pa. Maaari ring dahil sa pagkalason dahil sa lead o mercury. Magpatingin sa inyong doktor.
- Orange. Maaaring hindi ka umiinom ng sapat na dami ng tubig. Maari rin itong indikasyon ng sakit sa atay o apdo. Maaari ring dahil lang sa pagkain na may food color. Ang mga gamot tulad ng rifampin o phenazopyridine ay nagreresulta sa orange na ihi. Magpatingin sa inyong doktor.
- Asul o Luntian. May isang hindi pangkaraniwang genetic disease na maaaring magresuta sa pagkakaroon ng ihi na kulay asul o berde. Ang mga bacteria din na nagdudulot ng urinary tract infection ang maaring pagmulan nito. Ngunit kadalasan ay dahil lamang ito sa food color/dye sa pagkain na iyong kinain. O di kaya ay dahil sa gamot na iyong iniinom. Kung magpatuloy ang kulay asul o luntiang kulay ng ihi ay kumonsulta na sa inyong doktor.
- Itim. Ang kulay itim na ihi ay tinatawag na melanuria at resulta ito ng pagkakaroon ng melanoma (kanser sa balat)
- Mabulang ihi. Kadalasan ay hydraulic effect lang o dahil sa malakas na daloy ng ihi kaya bumubula ito. Ngunti maaari itong indikasyon na maraming protina sa inyong kinakain. Maaari ring dahil sa sakit sa bato. Magpatingin sa inyong doktor kapag laging mabula ang iyong ihi. Maaring bisitahin ang link na ito para sa karagdagang impormasyon sa mabulang ihi.
Urine Color Chart

References
http://www.webmd.com/urinary-incontinence-oab/features/the-truth-about-urine?page=2
http://www.beextrahealthynow.com/are-you-hydrated-strange-urine-colors-and-their-meaning/
http://health.clevelandclinic.org/2013/10/what-the-color-of-your-urine-says-about-you-infographic/
http://www.prevention.com/health/what-color-your-pee-says-about-your-health
27 comments
Dok Lads,
ReplyDeleteAssalamu Alaykum (a greeting of peace!) from a fellow blogger :D
Wow. Your blog is so informative ^_^ Maraming matututunan mga tao sa blog mo, masaya ako at nakilala ko tong blog mo mula kay Amiel from Medics. Padayon! Keep writing!
-Kuya Ahmad
Salamat Kuya Ahmad. Nakita ko nga rin ang blog ninyo at iba pang bloggers from UPCM. Na-encourage ako kina Doc Iris kaya din nagsusulat ako ng ganitong mga posts. See you around. Enjoy din ang mga med life experiences posts mo Dok Ahmad.
DeleteThank you for joining Blogs Ng Pinoy! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME and will be featured weekly in our Facebook page ;)
ReplyDeleteFor site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy
Thank you,
BNP
blogsngpinoy.com
Pag umihi na may kasamang parang buhangin na kulay pula ano kaya yon
ReplyDeleteAh patingin na po kyo sa doctor para malunasan agad. Bato sa bato na po iyan.
DeleteApplicable din ba sa Dog ang Urine Chart na to?
ReplyDeleteBakit po parang dugo ang ihi anu po ibig sabhin nun at anu po xapat gawin para malunasan yun salamat.
ReplyDeleteBakit po yung gf ko minsan may kulay ang ihi nya,medyo brown po tas minsan mejo mapula,di rin po maganda amoy. Mag 1wik na po pero di naman araw araw ganon. Salamat po
ReplyDeleteMagpatingin ka sa doctor pra malaman mo kung normal at hindi.
ReplyDeleteKuanin po ako ng dragon fruit nun gabi pagka gising ko po mapula na ang ihi ko.normal lng po ba ito.
ReplyDeletePanu poh kng dalawang lingo n madilaw ang ihi KO pero pag nainom poh ako nang maraming tubing nawawala pero bumabalik parin Anu poh Kaya dahila
ReplyDeleteslmt po sa impormasyon..maxado na ako nagalala sa kulay ng ihi ko akala ko may sakit na ako kulang lang pla aq sa tubig ngyn alam ko na po tamad po kase aq uminom ng tubig...
ReplyDeletePano po pag umihi ng medyo pula tapos pati dumi medyo may pula din po?
ReplyDeleteSobrang dilaw po ang ihi ng asawa q,ano po ibig sabhin nito medjo matagal na din to...malaks namn po cxa sa tubig bakit sobrang dilaw pa din kulay ng ihi niya?
ReplyDeleteAng anak ko my puting buhangin lagi ihi nya. Ano ibig sabihin noon?
ReplyDeletePag madalas po ako umiihi kala ko tapos na peru merun parin konti lumalabas minsan npapatagal pako sa cr, feeling ko may uti ako kaya umiinum po ako palagi ng tubig at sa tuwing umiihi ako may maramdaman muna ako ng may tumutusok sa tagiliran ko, peru di naman po masakit nakakaalarma lang kung normal po yun?
ReplyDeletePanu po pag puti as in white talaga yung kulay?
ReplyDeleteang sabi po ng doctor nung nagpatingin ako ay uti po tas makalipas po ng 6 n araw nag iba n po kulay ng ihi q...medyo maitim n xa n parang may buhangin no po....nag alala po kasi aq tas may kasama po konting dugo
ReplyDeletePanu po kung may pula ang ihi ng baby?ano po yan?pwede pakisagot plz?
ReplyDelete2 days na po kulay orang ihi ko
ReplyDeleteAno po kaya ibig sabihin?
ReplyDeleteAko po kumain Lang po ako Ng dragon fruit kahapon tas pag gising ko Ng Umaga midyo red na Ang ihi ko at Ang dumi ko my pgka red din
ReplyDeleteBakit po kulay green po yong ihi ko sana po mapansin kasi po 2 months na po tong naramdaman ko sana po masagot thanks !
ReplyDeletemay sakit ba yong kahit anung inom mo ng tubig madilaw parin ung ihi ko
ReplyDeletedis past few weeks every time po na naihi ako eh , madilaw sia ikom nmn po ako ng inom ng tubig bakit po kaya
pasagot nmn po salamat
May pink Ang ihi ko kahapon pa hanggang ngayon 😔
ReplyDeleteKulay Pink ihi ko kahapon pa hanggang ngayon Ng worry na ako.
ReplyDeleteGood morning po doc may kunting tanong lang po sana ako medyo natatakot na din po ako ehh 2days na po yung ihi ko nag kukulay pink or pula po ano po ibig sabihin non wala nmn po akong kanain na may kulay paki sagot po thank you
ReplyDelete