6 na Paraan Kung Paano Nakakatulong si Bantay sa Iyong Kalusugan

6:47:00 PM



Ang pag-aalaga ng hayop ay nakakatulong sa pisikal at emosyonal na kalusugan ng isang tao. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto mula sa Beacham Center for Geriatric Medicine sa Johns Hopkins University, maraming magagandang naidudulot sa kalusugan ang pagkakaroon ng alagang hayop.

Kung hindi mo pa kaya maging full-time na may-ari ng isang hayop sa iyong bahay, maaari mong ipasyal ang alagang aso ng iyong kapitbahay, algaan kahit sandali ang alagang pusa ng iyong kaibigan, mag-volunteer sa pinakamalapit na animal shelter sa iyong lugar. Kahit na ang mga sandaling interactions sa mga alagang hayop ay may naitutulong na maganda sa ating kalusugan.

Nakakatanggal ng Stress

Ayon sa mga pananaliksik, ang pag-aalaga ng aso ay nakakapagpababa ng stress hormone na cortisol at ang pakikipaglaro sa inyong mga aso ay nakakapagpataas ng lebel ng feel-good hormone na oxytocin. Ang mga tao din kasi na may alagang hayop ay mas madalas tumawa ayon sa pag-aaral na naipublish sa journal na Society & Animals.

Nakakababa ng Blood Pressure

Ang epektong ng pag-aalaga ng hayop na pagpapababa ng cortisol a pagpapataas ng oxytocin ay nakakatulong din na gawing normal ang blood pressure ng isang tao. Nakakatulong din daw ang pag-aalaga ng aso upang ma-relax ang sisang tao.

Nakakatulong Maging Physically Active

Madalas na inilalabas ng mga may-ari ng aso ang kanilang alaga upang makapaglakad ito. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon na rin ng physical exercise ang mga may-ari ng aso.

Ayon sa pananaliksik sa Michigan State University noong 2011, 60% ng mga dog-owners na laging inilalabas ang kanilang aso upang maglakad ay nagkakaroon ng moderate to vigorous exercise. Ang mga matatanda na naglalakad kasama ang kanilang mga aso ay mas malakas at fit kaysa sa mga matatandang naglalakad kasama ang ibang tao ayon sa pag-aaral na naipublish sa Journal of Psychosocial Nursing ang Mental Health Services noong 2010.

Nagpapaganda ng Kalusugan ng Puso

Ayon sa pag-aaral ng American Heart Association ang pag-aalaga ng aso ay isang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga cardiovascular diseases. Hindi ibig sabihin nito ay may malinaw na cause-effect relationship na kapag nag-aalaga ng aso ay hindi na magkakaroon ng sakit sa puso. Ang ibig sabihin lang nito ay isa itong paraan upang mapababa ang risk na magkaroon ng sakit sa puso. May pag-aaral din na nakakita ng association sa pag-aalaga ng aso at pagkakaroon ng mababang cholesterol at triglyceride levels ng mga dog owners.

Nakakatanggal ng Lungkot at Depression

Isang pag-aaral noong 2011 ang nagsabi na ang mga pet owners ay mayroong mas mataas na self-esteem. Napag-alaman din na ang mga alagang hayop ay nagbibigay ng social support sa mga taong dumadaan sa depression. 

Tinatawag ding social magnets ang mga alagang hayop tulad ng aso. Nakakatulong sila na makaconnect at socialize ang ang may-ari nito sa ibang mga tao. Kapag naglalakad ka kasama ang iyong aso at nakakita ka rin ng ibang tao na may kasamang aso ay mas madaling magsimula ng pag-uusap o conversation sa kapwa dog-owners.

Nakakatulong sa Immune System ng Mga Bata

Ang mga batang lumaki sa pamilya na may alagang hayop ay mas maliit ang chance na makaroon ng allergies at asthma. Ang mga sanggol din na nakatira sa isang pamilyang may aso o pusa ay mas madalang magkaroon ng sipon at impeksyon sa tenga kaysa sa mga sanggol na nakatira sa isang bahay na walang alagang hayop.

Ang pag-aalaga ng aso ay isang responsibilidad. Bago ka bumili ng aso para alagaan ay dapat sigurado kang kaya mo itong alagaan. Maaaring subukan mo munang alagaan ang aso ng inyong kapitbahay, kamag-anak o kaibigan para magkaroon ka ng ideya at maranasan mo ang pag-aalaga sa hayop. Kapag nagustuhan mo at kaya mo naman ang responsibilidad ay saka ka na bumili ng aso. Alagaan ang ating mga aso dahil marami silang naitutulong sa atin lalo na sa ating pisikal at emosyonal na kalusugan.

References
http://www.health.harvard.edu/staying-healthy/having-a-dog-can-help-your-heart--literally
http://www.sciencealert.com/nine-science-backed-reasons-to-own-a-dog
http://www.hopkinsmedicine.org/health/healthy_aging/healthy_connections/the-friend-who-keeps-you-young
http://www.webmd.com/hypertension-high-blood-pressure/features/6-ways-pets-improve-your-health?page=2

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed