Wala Nang Natira

1:13:00 AM


Ang sabi sa tula ni Rio Alma
"puso itong sa dami ng ininda,
Walang natira kundi alaala"
Siya nga, nawala na ang alaala ng pag-ibig
At ang tanging natira ay ang galit at sakit

Mula sa alaala ng kahapong sa ati'y dumaan
Noong panahong masaya pa tayong nagtatawanan
At mainit pa ang ating pag-iibigan
Noong buong pag-asa ko pang pinaniniwalaan
Na yung 'ikaw' at 'ako' at may maliwanag na kinabukasan

Bigla nalang nanlamig ang dating mainit na pagmamahalan
Nawala ang ngiti at halaklahak, pumalit ang iyakan
Alitan at sakitan na parang wala ng katapusan
Nagtiis ako sa pag-asang kaya pa nating solusyunan
Ang nagkalamat nating pagmamahalan

Pero wala na talaga, ito na ang ating hanggahan
Hindi ko na kaya pang lumaban
Ang tagal ko nang nagpakatanga at nagbulag-bulagan
Na ang ating pinagsamahan ay may katotohanan
Lahat pala ay pawang kasinungalingan, bakit ngayon ko lang nalaman?


Image Source: https://quotesgram.com/empty-love-quotes/

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed