Masama Ba sa Kalusugan ang Paghilik?

12:20:00 AM

Ano ang Paghilik?

Ang paghilik ay kondisyon na maaaring makita sa kahit na sino. Kadalasan ay mga lalake at mga matataba ang nakakaranas ng paghilik. Maaari ding lumalala din ang paghilik habang umatanda. Ang paminsan-minsan o madalang lamang na paghilik ay hindi dapat ikabahala. Ngunit kung madalas at halos araw-araw na ang paghilik habang natutulog, hindi lang ito nakakasira ng tulog ng mga kasama mong matulog ngunit makakaapekto din ito sa pagtulog ng taong naghihilik. 

Ano Ang Dahilan ng Paghilik? 




May Nakasagabal sa Daanan ng Hangin. May mga tao na naghihilik lamang kapag sinusumpong ng allergy o kung mayroong sinus infection. Ang mga tao naman na may deviated nasal septum (tabingi ang buto na naghihiwalay ng dalawang butas ng ilong) at ang pagkakaroon ng polyps ay maaari ring pagmulan ng paghilik.
  • Mahina ang mga Muscles ng Dila at Lalamuna. Masyadong nakapahinga (relaxed) ang mga muscles ng dila at lalamunan kaya bumabalik ito at humaharang sa daanan ng hangin. Ang pag-inom ng alak, mahimbing na tulog, paggamit ng sleeping pills at ang pagtanda ay ilan sa mga dahlan ng relaxation ng mga muscles na ito na nagdudulot ng paghilik.
  • Masyadong malaki ang lalamunan/ throat tissues. Ang pagiging overweight o sobrang taba ay maaaring magdulot ng paglaki ng lalamunan. Ang mga bata din na may malalaking tonsils o adenoids ay maaaring maghilik.
  • Masyadong mahaba ang soft palate o uvula. Ang uvula ay yung malambot na tissue/laman na nakalawit mula sa soft palate. Kapag ito ay nag-vibrate o nagbangaan sa isa't isa maaari iyong magdulot ng sagabal sa daanan ng hangin at nagreresulta sa paghilik.



Mga Epekto sa Kalusugan ng Paghilik

Ang mga madalas na paghilik ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan ng tao. Kasama na dito ang obstructive sleep apnea. Ito ay nagdudulot ng iba pang mga problema tulad ng:
  1. Mahabang pagputol sa paghinga (mahigit sampung segundo) habang natutulog dahil sa sagabal o harang sa daanan ng hangin. 
  2. Madalas na paggising mula sa pagtulog kahit na hindi mo namamalayan na nagigising ka. 
  3. Mababaw na pagtulog. Ang mga taong may obstructive sleep apnea ay hindi nakakatulog ng malalim upang mapigilan ang pagiging relaxed ng kanilang throat muscles upang hindi ito makasagabal sa daanan ng hangin. Ang mga taong madalas humilik ay laging inaantok sa umaga.
  4. Pagkapagod ng puso. Ang obstructive sleep apnea ay nagreresulta sa mataas na presyon (blood pressure) at maaaring magdulot na paglaki ng puso na nagpapataas ng posibilidad ng stroke at atake sa puso
  5. Iregular na tibok ng puso. Ang mga taong matagal nang humihilik ay may posibilidad na magkaroon ng iregular na tibok ng puso. Ang mga taong naghihilik ay napag-alaman na madalas na nagkakaroon ng atrial fibrillation kaysa sa mga tao na hindi naghihilik. 
  6. Mababang lebel ng oxygen sa katawan. Maaari itong magdulot ng pagsikip ng mga ugat sa baga at maaaring magdulot ng pulomonary hypertension kalaunan. 
  7. Gastroesophageal reflux disease o GERD. Madalas itong maranasan ng mga may sleep apnea. Ang mga may sleep apnea ay nakakaranas ng GERD sapagkat hindi tama ang pagsara ng daanan ng hangin. Nagdudulot ito ng pagbabago sa pressure na humihigop ng mga pagkaing tinutunaw na sa tiyan pabalik sa esophagus.
  8. Pagsakit ng ulo
  9. Pagtaba
  10. Pakiramdam na laging pagod sa umaga.

Mga Solusyon sa Paghilik

Kung nakakaranas ka ng paghilik at nakakaranas ka ng mga sintomas na nabanggit sa itaas ay mahalagang kumonsulta ka sa doktor. Aalamin ng doktor kung kailangan mong magpatingin sa isang sleep specialist at sumailalim sa sleep test upang malaman kung mayroon kang sleep apnea.

Depende sa resulta ng sleep study, may iba't ibang paraan para masolusyunan ang pahilik. Pagbabago ng pamumuhay.
  1. Iwasan ang mga risk factors ng paghilik tulad ng sobrang katabaan, sobrang pag-inom ng alak at mga allergies. 
  2. Operasyon. Minsan ay kinakailangan ng operasyon sa sa throat at palate o sa ilong. 
  3. May mga kagamitan (oral appliances) na ginagawa ang mga dentista na eksperto sa panggagamot ng paghilik at sleep apnea. Mayroon ding pampaluwag ng daanan ng hangin sa ilong (nasal dilators). 
  4. CPAP (continuous positive airway pressure applicances) na nagbubuga ng hangin mula sa paligid pabalik sa daanan ng hangin/throat. Pinipigilan nito ang pagcollapse ng throat nang sa gayon ay hindi ito makasagabal sa paghinga.
Mahalagang kumosulta sa doktor o sleep specialist upang malaman ang kalagayan mo at kung nakakasama na sa iyong kalusugan ang iyong paghilik. Prevention is better than cure. 



References
ttps://empoweryourknowledgeandhappytrivia.files.wordpress.com/2015/04/common-causes-of-snoring.png
http://snore-medicines.com/causes-snoring/
http://www.webmd.com/sleep-disorders/snoring-basics
http://www.everydayhealth.com/news/eleven-health-risks-snoring/

You Might Also Like

2 comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Ano ang hilik? Mayroon bang lunas para sa hilik?

    Ang tunog ng Paghilik ay maaaring gumatilyo ng malaking kaguluhan at madalas natagpuang ugat sanhi ng diborsyo.

    Hindi ito nakakagulat! Gumagawa ang mga taong may hilik ng labis na tunog ng paghilik sa buong magdamag at bilang resulta hindi makatulog ang kanilang mga asawa.

    May posibilidad na magbuod ng pagkapagod ang patuloy na pagkawala ng tulog ng mahabang panahon at hindi pagkakaintindihan ng pamilya ang kasunod.

    ReplyDelete

Twitter Feed