Let's Say Goodbye to UTI

12:00:00 AM


Ano ang Urinary Tract Infection o UTI?

Ang Urinary Tract Infection o UTI ay impeksyon sa bahagi ng daluyan ng ihi kasama ang bato, ureter, bladder at urethra. Karamihan sa mga impeksyon ay matatagpuan ibabang bahagi ng daluyan ng ihi - sa bladder at sa urethra. 

Comparison of the Urinary Tract of Men and Women

Mas madalas ang UTI sa mga kababaihan. Masakit ang pagkakaroon ng UTI. Maaari itong lumala at magkaroon ng komplikasyon kung hindi ito maagapan. Maaring umabot ang impeksyon sa bato. Ang mga doktor ay kadalasang gumagamit ng mga antibiotics upang labanan ang impeksyon ngunit maraming hakbang ang maaaring gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng UTI.


Ano ang Iba't Ibang Uri ng UTI?


Ano ang mga Sintomas ng UTI?

  1. Madalas na pag-ihi
  2. Kaunting ihi
  3. Mahapding pakiramdam sa tuwing iihi
  4. Ihi na maraming bula
  5. Ihi na may kulay pula (senyales ito ng dugo sa ihi)
  6. Pananakit ng balakang sa mga babae
  7. Pananakit o pressure sa puson 
  8. Lagnat o panlalamig (senyales na maaaring umabot na sa bato ang impeksyon)

Ano ang Sanhi ng UTI? 

Ang pagkakaroon ng UTI ang isa sa mga dahilan kung bakit ipinapayo sa mga kababaihan na punasan ang kanilang ari pagkatapos umihi. Dahil ang urethra, o ang tubo na daluyan ng ihi palabas ng katawan ng tao, ay malapit sa butas ng puwit. Maraming mga mikrobyo gaya ng Escherichia coli, ang maaaring makapunta mula sa puwit papunta sa urethra at magdulot ng impeksyon. Mula doon ay maaaring pumunta ang mga mikrobyo sa bladder. Kapag hindi ito naagapan ay maaaring magkaroon din ng impeksyon sa bato. 

Mas maikli ang urethra ng mga babae kumpara sa mga lalake kung kaya mabilis na nakakapunta ang mga mikrobyo sa bladder ng mga babae. Ang pagtatalik ay maaari ring magdala ng mga mikrobyo sa daanan ng ihi ng kababaihan.

Paano Magpasuri Para sa UTI? 

May mga tests na ginagawa ang mga doktor upang malaman kung may UTI ang isang tao. Magpapagawa ng urinalysis o pag-aaral ng ihi ang doktor. Titingnan dito kung may mga white blood cells, dugo o mikrobyo sa ihi. Sa pagkuha ng ihi na gagamitin sa urinalysis, siguraduhin punasan muna nag iyong ari at kolektahin ang ihi sa kalagitnaan ng iyong pag-ihi at hindi ang unang labas ng ihi.

Paano Maiiwasan ang UTI?



  1. Uminom ng maraming tubig. Makakatulong ito upang makaihi ng madalas upang mailabas ang mga mikrobyo na maaaring magdulot ng impeksyon.
  2. Maglinis ng ari pagkatapos umihi. Pinipigilan nito ang paglipat ng mga mikrobyo mula sa puwit papunta sa urethra o daluyan ng ihi.
  3. Huwag magpigil ng ihi. Ang pagpipigil ng ihi ay nagpapatagal ng pananatili ng mikrobyo sa daluyan ng ihi na maaaring magdulot ng impeksyon.
  4. Ugaliing uminom ng tubig at umihi pagkatapos makipagtalik. 
  5. Iwasan ang paggamit ng mga produktong mayroong spermicide lalo na ang mga diaphragm contraceptive device. Maaari itong magdulot ng pagdami ng mikrobyo sa daluyan ng ihi
  6. Iwasan ang mga inumin na maaaring makairita ng iyong bladder. Iwasan ang kape, alak at soft drinks lalo na kung kasalukuyang may UTI.

Kung nakakaranas ka ng mga sintomas na nabanggit, wag magatubiling kumosulta sa inyong doktor. Kung mayroon kang pabalik-balik na UTI o impeksyon sa bato, ang iyong doktor ay papayuhan kang kumosulta na sa isang urologist (doktor sa daluyan ng ihi) o nephrologist (doktor sa bato).

References:
http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/urinary-tract-infection/basics/definition/con-20037892
http://www.webmd.com/women/guide/your-guide-urinary-tract-infections?page=2
https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/urinary-tract-infections-uti
http://stek.org/health-fitness/symptoms-of-uti/
http://www.med-health.net/Home-Remedies-For-Uti.html

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed