Iwas Atake sa Puso Sa Araw ng Pasko!

7:41:00 PM


Ang sakit sa puso o sa ugat ay nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino ayon sa pinakahuling tala ng Kagawaran ng Kalusugan ng Top 10 Leading Causes of Mortality in the Philippines.


Sa nakalipas na taon, napansin ng mga eksperto ang pagtaas ng kaso ng atake sa puso sa tuwing sasapit ang pasko at bagong taon. Ang karaniwang mga bagay na nagdudulot ng sakit sa puso ay paninigarilyo, altapresyon, mataas na cholesterol o taba, diabetes, hindi pag-eehersisyo at katandaan. 

Ang coronary artery disease o sakit sa ugat sa puso ay nagsisimula bilang atherosclerosis. Ito ay mga namumuong taba sa ugat ng isang tao na nagreresulta sa pagsikip ng daanan ng dugo. Kapag sumabog o nasira ito, maaari itong magdulot ng pamumuo ng dugo na babara sa daanan ng dugo. Ang resulta nito ay ang atake sa puso dahil sa pagtigil ng pagdaloy ng dugo sa puso.

Ayon sa mga doktor, ang malamig na klima ay nakakaapekto din sa puso. Ito ay nagdudulot ng pagsikip ng mga ugat at nakakapagpataas ng blood pressure. Mabilis din ang pamumuo ng dugo (blood clotting) sa malamig na temperatura. Ito ay maaaring magbigay ng stress sa puso na maaaring pagmulan ng atake sa puso.

Ngunit hindi sapat na dahilan ang malamig na klima sa pagtaas ng kaso ng atake sa puso tuwing pasko at bagong taon. Ayon sa isang pag-aaral sa Circulation, isang dahilan ay ang hindi agad pagpapatingin sa doktor dahil ayaw ng mga tao na sirain ang pagidiriwang ng pasko at bagong tao. Hinihintay nilang matapos ang pagdiriwang bago kumonsulta sa doktor.

Isa pang dahilan ng pagtaas ng kaso ng atake sa puso ay ang pagkain ng sobrang daming mga pagkain lalo na ng mga matataba at maaaalat na pagkain. Isang dahilan din ang malakas na pag-inom ng alak. Hindi rin masyadong nag-eehersisyo ang mga tao tuwing pasko at bagong taon. Ang mga ito ay nagbibigay ng matinding stress sa ating mga puso na maaaring magresulta sa atake sa puso.

Paano Maiiwasan ang Pagkakaraoon ng Sakit sa Puso









Pinakamainam pa rin na kumonsulta sa inyong mga doktor upang mapanatili ang inyong mabuting kaulusugan at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso. Prevention is better than cure. Ngayong alam mo na ang maaari mong gawin upang maiwasan ang sakit sa puso, oras na para simulang gawin ang mga ito. Disiplina lang ang kailangan. Mahalin ang iyong buhay dahil isa lang yan. Sama-sama tayong mamuhay ng malusog sa sa darating na 2016!

References:
http://www.webmd.com/heart/features/the-truth-behind-more-holiday-heart-attacks?page=2
http://www.belmarrahealth.com/christmas-heart-attack-and-holiday-heart-syndrome-prevention-tips/
http://www.whatisheartdisease.net/
http://www.doh.gov.ph/node/1058

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed