First Aid sa Mga Sugat Mula sa Paputok

4:59:00 PM



Madalas na nagkakaroon ng mga injuries dahil sa paputok tuwing sasapit ang Bagong Taon. Ang mga kadalasang inury na natatamo mula sa paputok ay pagkasunog ng balat sa kamay o paa, malalaking sugat o naputol na mga daliri o kamay at injury sa mga mata. Narito ang mga dapat gawin kapag nagkaroon ng injury dahil sa paputok. Kaya kailangan na alam natin kung ano ang mga first aid o dapat gawin kapag nagkaroon ng mga injuries dahil sa paputok.


Nasunog na balat sa kamay o paa (first degree burns) 

  • Hugasan ang nasunog na bahagi sa malamig na tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Huwag gagamit ng yelo sa nasunog na bahagi. Huwag ding maglalagay ng butter, toothpaste o kamatis sa nasunog na bahagi.
  • Maglagay ng medicated ointment sa nasunog na bahagi
  • Takpan ang nasunog na bahagi ng aluminum foil o plastic wrap
  • Dalhin agad ang pasyente sa emergency department ng hospital
  • Baka kailanganin ng tetanus shot
  • Para sa second degree burn (apektado hindi lang ang pinakataas na bahagi ng balat at nagkakaroon ng blisters/paltos)
    • Hugasan gamit ang malamig (walang yelo) na tubig sa loob ng sampung minuto
    • Takpan ang nasunog na bahagi ng malinis at basang tela/gauze para maiwasan ang impeksyon
    • Kung malaki ang nasunog na bahagi, dalhin na ito sa hospital.
  • Para sa third degree burn. Nangangailangan na ito ng atensyong medikal dahil medyo malala na ito. Hindi na nakakaramdam ng sobrang sakit ang pasyente dahil malalim ang sugat at nasira na nito ang mga nerves na nakakadama ng sakit. Tumawag ng ambulansya upang madala ito sa hospital
    • Tanggalin ang bagay na nakadikit sa nasunog na bahagi. Hugasan gamit ang malamig na tubig sa loob ng sampung minuto
    • Takpan ang nasunog na bahagi ng malinis at basang tela/gauze para maiwasan ang impeksyon

Maliit na sugat (isang pulgada ang lagi o maliit pa) at malalaking sugat

  • Hugasan sa malamig na tubig sa loob ng 10 hanggang 15 minuto
  • Para sa malalaking sugat, hugasan ng alcaline soap upang luminis ang sugat
  • Takpan ang sugat ng aluminum foil o plastic wrap na malinis
  • Para sa maliit na sugat, dalhin ang pasyente sa emergency room kung kinakailangan
  • Para sa malaking sugat, agad na dalhin ang pasyente sa emegency room. 

Injury sa Mga Daliri

  • Hugasan ang daliri sa malamig na tubig kapag hindi pa naputol ang mga ito ng pagsabog.
  • Huwag lagyan ng yelo ang sugat
  • Kung naputol na ang daliri, subukang hanapin ang naputol na daliri at balot ito sa malinis na tela. Ilagay ito sa malinis na plastic bag na may lamang yelo
  • Kung marumi ang naputol na daliri, linisin ito gamit ang malamig na tubig
  • Dalhin ang pasyente sa emergency department ng hospital.

Sugat sa Mga Mata

  • Para maalis ang mga natirang bahagi ng paputok sa mga mata, hugasan ang mga mata gamit ang malamig na tubig. Huwag gumamit ng yelo
  • Huwag hawakan o kamutin ang nasugatang mata
  • Gamitin ang malinis na tela upang takpan ang apektadong mata
  • Dalhin ang pasyente sa emergency department ng pinakamalapit na hospital

Paano Maiiwasan ang mga Injuries Mula sa Paputok?

  • Siguruhin na bumili ng mga paputok mula sa mga lisensyadong tindahan na sumunod sa safety and quality standards
  • Isa-isa lamang ang pagsisindi ng mga paputok
  • Huwag nang pulutin o sindihan pa muli ang mga hindi pumutok na paputok
  • Huwag hayaang maglaro ang mga bata ng paputok
  • Huwag gumawa ng sariling paputok
  • Gamitin lamang ang paputok sa labas ng bahay at laging maghanda ng tubig o hose na magagamit kung magkaroon ng aksidente
  • Laging magsuot ng proteksyon sa mata kapag nagpapaputok
  • Gumamit ng lamang ng torotot o ibang pampaingay upang maiwasan ang injury mula sa paputok.

Paalala Mula sa Department of Health

Narito ang ilang mga paalala mula sa Department of Health upang maiwasan ang mga injury mula sa paputok sa darating na bagong taon. Iwasana ng paputok upang maiwasan ang disgrasya.



References
http://firstaidandcprcourses.ca/first-aid-treatment-fireworks-injuries/
https://www.boystownpediatrics.org/KnowledgeCenter/healtharticles/Pages/Be-Prepared-for-Firework-Injuries.aspx

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed