Dapat Bang Uminom ng Antibiotics Para sa Sore Throat, Ubo at Sipon?

7:10:00 AM

Batang Pinaiinom ng Antibiotics

Madalas na ginagamit ng mga magulang na gamot ang antibiotics kapag mayroong sore throat, ubo o sipon ang mga bata. Kapag kumonsulta sila sa doktor ay inaasahan na nilang magrereseta ang doktor ng antibiotics para gumaling ang sakit ng kanilang anak. Ngunit kadalasan ay hindi naman kailangan ng mga bata ng antibiotics para gamutin ang mga sakit na nabanggit. Sa totoo niyan ay maaari pang magdulot ng masama ang paggamit ng antibiotics sa halip na makatulong ito.


Paano Malalaman Kung ang Sakit ay dahil sa Virus o Bacteria?

Ang Antibiotics Ay Epektibo sa Bacteria At Hindi sa Virus

Ang antibiotics ay gamot para sa mga impeksyon na dulot ng iba't ibang klaseng mga bacteria. Kung ang inyong anak ay may bacterial infection, makakatulong ang antibiotics. Ngunit kung ang sakit ng anak ninyo ay dahil sa virus, hindi mapapagaling ng antibiotics ang sakit ng inyong anak.

  • Karamihan sa mga ubo at sipon ay dulot ng mga viruses.
  • Ang mga sakit tulad ng bronchitis ay kadalasang dulot din ng viruses. Ang bronchitis ay ubo na may kasamang malapot na plema. Ang paninigarilyo at mga dumi sa hangin ay maaari ring magdulot ng bronchitis. Ngunit malimit na bacteria ang sanhi ng bronchitis.
  • Karamihan sa mga sinus infections (sinusitis) ay dulot din ng mga viruses. Ang mga sintomas nito ay marami at makapal na mucus sa ilong. Hindi dahil may kulay ang sipon ng bata ay mayroon na ito agad bacterial infection.
  • Maraming sore throats at earaches (pananakit ng tainga) ay resulta din ng pagkakaroon ng virus. 

Hindi napapatay ng antibiotics ang mga viruses. Kaya hindi ito madalas nakakapagpagaling ng mga ubo, flu, bronchitis at sinus infections. Minsan ang mga sinus infections ay maaari ring dahil sa bacteria ngunit madalas na nawawala at gumagaling din ito pagkalipas ng isang linggo o higit pa. Maraming impeksyon sa tainga ang gumagaling din ng walang ginagamit na antibiotics. May mga sore throats na bunga din ng bacterial infection na strep throat. Ang sintomas nito ay lagnat, pamumula, hirap na lumunok. May test na ginagawa upang malaman kung strep throat nga ba ang sore throat ng pasyente. Kung strep throat nga ito ay magrereseta ang doktor ng antibiotics.

Ang pinakamainam na gamot sa mga viral infections ay pahinga, uminom ng maraming tubig at manatili sa bahay upang hindi makahawa sa ibang tao. Kumonsulta sa inyong doktor upang mabigyang lunas ang mga sintomas na inyong nararamdaman.

May Panganib sa Maling Paggamit ng Antibiotics

Ang pag-inom ng antibiotics kung hindi mo naman ito kailangan ay hindi magandang gawain. Mahigit 90% ng acute upper respiratory tract infections tulad ng sinusitis ay dahil sa viruses kaya hindi kailangan ang antibiotics para gamutin ito. Humigit 95% naman ng acute bronchitis ay dahil din sa viruses. Makakagamot lamang ang antibiotics kung bacterial infection ang sakit ng isang pasyente.

May side effects din ang paggamit ng antibiotics. Madalas itong dahilan ng pagpunta ng mga bata sa emergency. May mga antibiotics na nagdudulot ng pagtatae o pagsusuka at halos 5 kada 100 bata ang allergic sa antibiotics. May mga allergic reactions na malala at maaring manganib ang buhay ng bata.

Ang labis labis na paggamit ng antibiotics ay nagreresulta sa pagdami ng mga bacteria. Kapag may mga bacteria na hindi napatay ng antibiotics, magiging resistant ito dito. HIndi na sila tatablan ng antibiotics na ginamit sa kanila. Ibig sabihin sa susunod na magkasakit ulit ang isang bata dahil sa bacteria na iyon, hindi na siya gagaling gamit ang antibiotics na huli niyang ginamit. Ito ang tinatawag na antibiotic resistance. Lumalakas ang mga bacteria dahil sa maling paggamit ng antibiotics.

Mechanism of Antibiotic Resistance

Sayang sa Pera ang Paggamit ng Antibiotics Kung Hindi Naman Kailangan

Hindi naman mahal ang karamihan sa mga antibiotics na nabibili sa botika. Ngunit mura man o mahal, sayang pa rin ang pera na ibinili ng antibiotics na hindi naman talaga kailangan at wala namang talagang maitutulong upang mapagaling ang sakit.

Kailan Masasabing Kailangan ng Antibiotics ng Isang Bata?

Kung may ubo na umabot na ng sobrang sa dalawang linggo Bacterial form ng pulmonya o whooping cough (pertussis) Sintomas ng sinus infection na hindi nawala pagkatapos ng sampung araw o pabalik balik na sinus infection Kung may plema o sipon na kulay yellow-green at may lagnat na umaabot ng 38-39 degrees Celsius.

Kapag may strep throat ang bata ayon sa rapid strep test o throat culture. Hindi dapat resetahan ng antibiotics ang sore throat kung hindi siguradong strep throat ito.

Huwag basta-basta iinom ng antibiotics lalo na kung hindi ito inireseta ng doktor. Baka sa halip na makatulong ito ay lalo pang lumala ang kondisyon ng may sakit.

Paalala: Ang lahat ng imposmasyon at datos na nasa blog na ito ay hindi dapat gawing kapalit ng konsultasyon mula sa inyong mga doktor. Mahalaga pa rin na kumonsulta sa inyong mga family doctors or pediatrician.


References
https://www.healthychildren.org/English/safety-prevention/at-home/medication-safety/Pages/Antibiotics-for-a-Sore-Throat-Cough-or-Runny-Nose.aspx
http://antibioticawareness.ca/?page_id=14
https://ezcpak.com/cdc-infographic-virus-or-bacteria/
http://www.me-med.com/html5/Web/2466/antibiotic_resistance-a.png
http://www.parenthub.com.au/wp-content/uploads/146771566-Child-taking-medicine.jpg

You Might Also Like

1 comments

  1. There are some natural remedies that can be used in the prevention and eliminate diabetes totally. However, the single most important aspect of a diabetes control plan is adopting a wholesome life style Inner Peace, Nutritious and Healthy Diet, and Regular Physical Exercise. A state of inner peace and self-contentment is essential to enjoying a good physical health and over all well-being. The inner peace and self contentment is a just a state of mind.People with diabetes diseases often use complementary and alternative medicine. I diagnosed diabetes in 2010. Was at work feeling unusually tired and sleepy. I borrowed a cyclometer from a co-worker and tested at 760. Went immediately to my doctor and he gave me prescription like: Insulin ,Sulfonamides,Thiazolidinediones but Could not get the cure rather to reduce the pain but brink back the pain again. i found a woman testimony name Comfort online how Dr Akhigbe cure her HIV  and I also contacted the doctor and after I took his medication as instructed, I am now completely free from diabetes by doctor Akhigbe herbal medicine.So diabetes patients reading this testimony to contact his email     drrealakhigbe@gmail.com   or his Number   +2348142454860   He also use his herbal herbs to diseases like:SPIDER BITE, SCHIZOPHRENIA, LUPUS,EXTERNAL INFECTION, COMMON COLD, JOINT PAIN, EPILEPSY,STROKE,TUBERCULOSIS ,STOMACH DISEASE. ECZEMA, PROGENITOR, EATING DISORDER, LOWER RESPIRATORY INFECTION,  DIABETICS,HERPES,HIV/AIDS, ;ALS,  CANCER , MENINGITIS,HEPATITIS A AND B,ASTHMA, HEART DISEASE, CHRONIC DISEASE. NAUSEA VOMITING OR DIARRHEA,KIDNEY DISEASE. HEARING LOSSDr Akhigbe is a good man and he heal any body that come to him. here is email    drrealakhigbe@gmail.com    and his Number +2349010754824

    ReplyDelete

Twitter Feed