10 Bagay na Dapat Mong Malaman sa Arthritis

12:14:00 AM


1. May Iba't Ibang Klase ng Arthritis

Ang arthritis o rayuma ay hindi lamang isang klase ng sakit. Mayroong mahigit 100 klase ng arthritis. Mahalaga na malaman ang klase ng arthritis upang mabigyan ito ng karampatang lunas at gamutan.Ang pinakamadalas na uri ng athritis ay ang osteoarthritis. Nagkakaroon ng arthritis sa oras na masira ang cartilage na nagsisilbing proteksyon/cushion ng mga buto. Ang pagkasira ng cartilage ay nagdudulot ng pananakit, pamamaga at limitasyon sa paggalaw ng mga joints na apektado nito. Maaaring maapektuhan ang anumang joints sa ating katawan tulad ng sa kamay, tuhod, balakang at gulugod. Ang ilan pang klase ng arthritis ay rheumatoid arthritis at psoriatic arthritis - ito naman ay resulta ng pag-atake ng sariling immune system sa mga joints.

Ang mga joints na apektado ng arthritis ay nagkikiskisan dahil sa pagkasira ng cartilage na siyang proteksyon ng mga ito.

2. Hindi lang Buto ang Apektado sa Arthritis

May mga uri ng arthritis na maaaring maapektuhan ang ibang bahagi ng katawan (systemic) at magdulot ng malalang komplikasyon. Halimbawa ay ang rheumatoid arthritis, ito ang pinakamadalas na anyo ng inflammatory arthritis. Maaari nitong maapektuhan ang mga internal organs. Maaari nitong maapektuhan ang balat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malilit na bukol na tinatawag na rehumatoid nodules. Maaaring maapektuhan ang mata partikular na ang episclera (isang manipis na membrane na bumabalot sa sclera (puting bahagi) ng mata) na magdudulot ng pamumula at pananakit nito. Maaari ring maapektuhan ang puso, ugat at baga.

3. Iba-iba ang Sintomas ng Arthritis

Ilan sa mga sintomas ng arthritis ay ang pananakit, pamamaga, paninigas at hindi maigalaw na mga joints. May hindi gaanong malala at mayroong malalalang sintomas, maaari rin itong pawala-wala o palaging nararamdaman. Maaari ring lumala ang mga sintomas sa pagtagal ng panahon.

4. Maaaring Makaapekto sa Emosyon ng Tao ang Arthritis

Apektado rin ang emosyon ng mga pasyenteng may arthritis at nakakaramdam ng matinding sakit. Maaaring makaramdam ang mga pasyente ng galit, pagsisisi, depresyon, takot at pakiramdam na nag-iisa at walang kasama. Importante na malaman ng mga may arthritis at mga mahal nito sa buhay na hindi lamang pisikal ang apektado ng sakit na arthritis ngunit pati ang emotional at psychological state ng isang tao.

5. Nakakaapekto ang Iyong Kinakain sa Arthritis

Ang mga pagkain gaya ng red meat ay maaaring magpalala ng sintomas ng arthritis. Ang pagbigat ng timbang ay nakakaapekto din sa arthritis dahil ang mga taba/fat cells sa ating katawan ay naglalabas ng leptin, isang hormone na nagpapalala ng pamamaga sa rayuma.

Image Source: http://www.livenedup.com/foods-herbs-arthritis-inflammatory-pain/

6. Makakatulong ang Ehersisyo sa Arthritis 

Ang tamang ehersisyo ay makakatulong at hindi makakapagpalala ng arthritis. Ang mga taong mayroon rayuma ay kadalasang natatakot na magehersisyo sapagkat palagay nila ay lalong lalala at sasakit ang kanilang nararamdamang sintomas. Ngunit ang totoo ay makakatulong na maibsan ang sintomas ng rayuma basta tama ang ehersisyong gagawin.

Puntahan ang link na ito upang makita ang ilang mga ehersisyo na pwedeng gawin ng mga may arthritis.


7. Wala Pang Gamot sa Karamihan ng Uri ng Arthritis

May ibang uri ng arthritis gaya ng Lyme arthritis na nagagamot sa pamamagitan ng antibiotics. Ngunit walang isang gamot ang makakalunas sa maraming uri ng arthritis. Ang gamutan sa arthritis ay para lamang mawala ang sakit at sintomas na nararamdaman ng pasyente, pigilan ang lalo pang paglala ng sakit at bawasan ang sira sa mga joints ng pasyente.

8. Hindi lang Matatanda ang Nagkakaroon ng Arthritis

Kadalasang ang mga matatanda ang sinasabing nagkakaroon ng arthritis. Ngunit kahit ang mga bata ay maaari ring magkaroon ng arthritis dahil maraming klase ng arthritis. 

9. Rheumatologist Ang Tawag sa Doktor na Espesyalista sa mga Rheumatic Conditions Gaya ng Arthritis

Ang mga kaso ng arthritis ay kadalasang inirerekomenda ng mga general physicians o family doctors sa mga rheumatologist. Mahalagang kumosulta sa isang rheumatologist upang malaman ang eksaktong uri ng iyong arthritis. Sa ganitong paraan lamang malalaman ang tamang gamutan para sa iyong arthritis.

10. Mahalaga ang Maagang Diagnosis at Gamutan sa Arthritis

Kapag nakararanas ka ng sintomas ng pananakit at pamamaga ng joints na higit sa isang linggo o nakakaapekto na ito sa iyong araw-araw na gawain, kumonsulta na sa iyong doktor. Kapag pinatagal pa ang pagpapatingin sa doktor, maaaring lumala ang arthritis at mahihirapan nang kontrolin ang pagkasira ng mga cartilage ng buto.


References
http://arthritis-foundation.com/wp-content/uploads/2015/05/amiga-artritis.jpg
http://www.webmd.com/rheumatoid-arthritis/guide/rheumatoid-arthritis-complications
http://arthritis.about.com/od/diseasesandconditions/ss/Arthritis-10-Important-Facts-You-Should-Know.htm#step8
http://www.healthline.com/health/arthritis/things-the-doctor-wants-you-to-know#1
http://www.webmd.com/rheumatoid-arthritis/patient-support-12/slideshow-ra-exercises

You Might Also Like

9 comments

  1. good day may bukol po ako sa kanang suso ko sobrang kumikirot po siya lalo na kapag na sstress ako nag pa ultrasound na din po ako ang sabi di naman daw po malignant benign naman daw po ang kaso kasi until now kumikirot padin po talaga ng sobra pero wala naman po jan yung signs na nasakin tanging buk at pagkirot lang po yung nararamdaman ko salamat po sana masagot niyo po ako at san po pala kaya maganda mag pacheckup about sa boobs dito po sa maynila salamat po

    ReplyDelete
  2. good day may bukol po ako sa kanang suso ko sobrang kumikirot po siya lalo na kapag na sstress ako nag pa ultrasound na din po ako ang sabi di naman daw po malignant benign naman daw po ang kaso kasi until now kumikirot padin po talaga ng sobra pero wala naman po jan yung signs na nasakin tanging buk at pagkirot lang po yung nararamdaman ko salamat po sana masagot niyo po ako at san po pala kaya maganda mag pacheckup about sa boobs dito po sa maynila salamat po

    ReplyDelete
  3. Mali po AQ ng type doc HND nmn po xya cancer doc..na operahn po AQ last Dec.2016 ..ntong last month march napansin q po n malaki ung kanang Dede q po..ung na operahn q po is left side..nagpachckup po AQ wla nmn pong bukol..xbi po n mas malaki ung muscle lower part ng right side q po..normal lng po b un ? Kc un n po ang left hand gmit q now

    ReplyDelete
  4. Mali po AQ ng type doc HND nmn po xya cancer doc..na operahn po AQ last Dec.2016 ..ntong last month march napansin q po n malaki ung kanang Dede q po..ung na operahn q po is left side..nagpachckup po AQ wla nmn pong bukol..xbi po n mas malaki ung muscle lower part ng right side q po..normal lng po b un ? Kc un n po ang left hand gmit q now

    ReplyDelete
  5. Hello po i need ur help po talaga kinakabahan po kasi ako ,.... hindi po pantay ang laki ng suso ko actualy 15 yr old palang ako napansin ko lang nung naligo ako sa cr hindi po pantay lang laki ng dalwang suso ko wala din po syang bukol nka ilang kapa na po ako wala din akong nararamdamang sakitplease po i need ur aaswer breast cancer na po ba ito? Yung sa right breast ko kasi maliit not the other side na malaki po sya

    ReplyDelete
  6. Gud am yung anak ko 10 years old po ay namaga ang paa kamay at nag kastiffneck po Cya na nawala din agad ang diagnosed po ng Dr ay ankylosing spondilitis pero nd po Cya cgurado ano po kaya un

    ReplyDelete
  7. Hello po tanong ko lang po yong kasing anak ko 8 yrsold na po sya ngayon...tuwing sya po ay ngkakaksakit hindi po sya makalakad nalulumpo po sya tapos pag magaling na...pata syang baby na muling nag aaral lumakad...ano po kaya ang sakit nya..

    ReplyDelete
  8. ako po ay nagsisimula ko palang naramdaman ang aking kasukasuan ko sumasakit hindi mo siya kayang kuntrolin kung paano mo siya alisin ang sakit.kailan lang ng pa cheak-up ako ang sabi sa akin meron daw akong rayuma pero hindi ako naniniwala dahil ang sabi niya ang bata ko pa para magkaroon ako isang sakit na rayuma.hindi lang isang beses ko siya naramdaman ang pain hindi mo sawari ang sakit.ang sabi lang sa akin ng doctor magkonsulta daw ako sa isang specialista rheumatology para makita ang sakit ko.

    ReplyDelete
  9. Hello po masakit po ung left side balakang q sa may buto at ilalim ng buto kumikirot xa at naninigas un sa upper ng singit na malapit sa buto q,lumalagutok po un hita at tuhod q kpag pinofold q un tuhod qng paulit ulit,cancer patient po aq colon cancer stage 3 1yr.na po opera q,sana po mapayuhan nyo aq nakigamit lng po aq ng cp

    ReplyDelete

Twitter Feed