Ang Tula ng Trans Para sa Mag-aaral ng Medisina

7:15:00 AM

Nagmamahal, Trans

Ang Tula ng Trans* Para sa Mag-aaral ng Medisina

Minamahal kong mag-aaral ng Medisina,

Ilang araw mo na ako tinitignan
Mahigpit mo akong hinahawakan

Alam kong labag sa iyong damdamin
Ngunit kailangan mo akong unawain

Ilang gabi din ang ating pinagsamahan
Maraming gabing walang tulugan

Kahit na hindi mo ako lubos na maintindihan
Salamat at hindi mo ako sinukuan

Namasdan ko ang iyong pagsisikap
Saksi ako sa iyong pagpupursigi't paghihirap

Buong lakas kang nagtiyaga
Na aralin ang aking bawat pahina

Ngayon, napapapikit na ang iyong mga mata
Papasikat na kasi ang bagong umaga

Siguro'y dapat ka munang magpahinga
Maya-maya lamang ay sasabak ka na sa giyera

Dunong ang iyong armas at sandata
Mahihirap na tanong ang mga kalabang dapat itumba

Hangad ko ang iyong pagwawagi
Mag-aaral ng medisinang natatangi!

Nagmamahal,
Trans

*Ang trans ay daglat ng salitang transcription. Naglalaman ito ng lectures na itinuro ng mga propesor sa medisina. Bukod sa libro, ito ang kadalasang inaaral ng mga estudyante para sa kanilang mga pagsusulit.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed