Ang Ligaya ng Pagkahulog at Pagbagsak

8:19:00 AM



Hindi lahat ng pagkahulog
Ay nangangahulugan ng pagkatalo
Hindi lahat ng pagbagsak
Ay hudyat na dapat nang sumuko

Masarap mahulog
Sa taong iyong minamahal
Na matagal mo nang ipinagdadasal
Na makasama sa altar sa iyong kasal

Masarap bumagsak
Sa iyong pinakamamahal na higaan
At yakapin ang iyong malambot na unan
Pagkatapos ng isang masarap na hapunan

Masarap mahulog
Mula sa mataas na bangin
At damhin ang sarap ng hangin
Bago bumagsak sa tubig-asin

At ang pinakaastig na bagsakan
Ay kasama mong nag-aawitan
Ang buong samahan
Nila pareng Chito, Francis M at Gloc 9

Image Source: http://globe-views.com/dcim/dreams/falling/falling-02.jpg

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed