Pusong Manananggal
6:27:00 AM
Image Source: http://www.zawaj.com/askbilqis/wp-content/uploads/2010/08/broken-heart-sliced-heart.jpg
Pusong Manananggal
Sa lunan na aking kinaroroonan
Nagtatalo ang aking kalooban
Mananatili o aalis nang tuluyan?
Hati ang isipan kung tuluyang
iiwan
Ang nakaraang puno ng kasawian
Bagamat mahirap ay akin nang
nakasanayan
Mamuhay ng mag-isa sa kadiliman
Ngunit mayroon din namang kagustuhan
Na tuluyan nang kalimutan
Ang madilim na nakaraan
At harapin ang maningning na
kinabukasan
Mahirap makipagsapalaran
Walang kasiguraduhan
Na kayang mapagtagumapayan
Ang daan patungo sa paroroonan
Hati ang aking puso
Na tulad ng isang manananggal
Na nahahati ang katawan
Tuwing sasapit ang kadiliman
Ang bahaging lumilipad sa
himapapawid
Ay sagisag ng kagustuhang
lumisan
At maglakbay patungo sa lugar
Ng pagbabago at pag-asa
Ang paglipad sa kalangitan
Ay simbolo ng kalayaan
Mula sa rehas na dala ng madilim na kahapon
Nagbibigay ng pag-asa at bagong pagkakataon
Ang paglipad sa kalangitan
Ay simbolo ng kalayaan
Mula sa rehas na dala ng madilim na kahapon
Nagbibigay ng pag-asa at bagong pagkakataon
Ang bahaging naiiwan sa lupa
Ay simbolo ng pangamba
At takot na tuluyang umalis
Sa lugar na minahal na ng
labis
Bagamat mahirap ang nararanasan
Ang pananatili sa lupa ay may katiyakan
Mahirap sumugal sa "baka" at "siguro"
Dito na ako sa alam kong sigurado
Hati ang aking puso
Bagamat mahirap ang nararanasan
Ang pananatili sa lupa ay may katiyakan
Mahirap sumugal sa "baka" at "siguro"
Dito na ako sa alam kong sigurado
Hati ang aking puso
Na tulad ng isang manananggal
Hangad kong magkaroon ng lakas
ng loob
Na harapin ng buong tapang ang
kinabukasan
Walang pangamba, walang takot
Walang agam-agam o pagdududa
May katiyakan at kasiguraduhan
Ganap at may kabuuan
0 comments