Berberoka
7:51:00 AM
Berberoka
I.
Nagkukubli ang
berberoka
Sa ilalaim ng tubig
Naghihintay ng tamang
pagkakataon
Hihigop ang berberoka
ng sapat na tubig mula sa ilog
Upang lumabas ang
maraming isda
Maakit ang mga tao at
lulusong sa tubig
Isang pain, isang
patibong
Lulunurin ng
berberoka ang tao
Saka hihigupin,
kakainin at papatayin
II.
Pamilyar. May kahawig.
Parang kayamanan at
magandang buhay
Sa mga doktor ay
umaakit
Unti-unting aakitin
ng mapanlinlang na yaman
Marahang lulunurin ang
alab sa puso
Na maglingkod sa
nangangailangan
Ngayo’y nababayaran
May pinapanigan
Mga pasyente ay
pinagsasamantalahan, pinagkakakitaan
Ang pera ay maaaring
maging halimaw
Berberoka!
Pumapatay!
Pumapatay ng
prinsipyo
Ng pangako na maging doktor
para sa bayan
Pumapatay din ng
pasyenteng walang pambayad
III.
Gaano pa karami
Ang mahuhulog sa
patibong
Ng yamang
mapagbalat-kayo?
Gaano karami
Ang mananatili
At maglilingkod ng
tapat?
Gaano karami
Ang tunay na
magbibigay lunas
Sa karamdaman ng higit
na nakararami?
Kailan mawawala
Ang kubling pagnanais
Na kumita ng malaki
mula sa panggagamot?
Kailan matatapos ang
pang-aakit?
At kailan pupuksain
Ang tusong berberoka?
Mawawala ang
kapangyarihan ng berberoka
Kung walang maaakit
sa dulot nitong
maraming isda
Gayundin sa pera at
yaman
Kung hindi lang
magiging gahaman
Hindi masisilaw sa
kislap ng kayamanan
IV.
Kailan mananaig
Ang prinsipyong
pinaniniwalaan
Na tayo ay doktor ng
bayan, para sa bayan?
Ngayon. Ngayon na!
Tayong lahat ang
sama-samang pupuksa
Sa baluktot na
paniniwala
Hindi pera. Hindi
materyal na yaman.
Kundi ang
makapagligtas ng buhay
Yan ang tunay nating kayamanan.
0 comments